10. Formal

76K 2.7K 284
                                        

Wewe's

"Anong regalo mo kay Tia, Pol?"

Nakasampa ako sa kama habang inaayos ko iyong tie ni Apollo. Birthday kasi ni Tia ngayon at magkakaroon ng intimate dinner with the family and some friends. Hindi naman ganoon kalaki dahil hindi naman lahat ng pamilya nila ay pupunta sa dinner na iyon – kung sino lang iyong nandito ngayon sa CLPH.

"Meron na, iyong regalo kong tennis bracelet."

Natawa ako. Ang kuripot talaga nito. Matagal na niyang regalo kay Tia iyon. Graduation pa lang yata ni Tia noong high school o noong college ay binigay na ni Apollo sa kanya iyon.

"Ang tagal na kaya noon." Reklamo ko pa. He grinned.

"Pagmamahal ko na lang bilang kuya." Kinindatan niya ako.

"Panay mo naman siyang iniinis. Paano kapag ako iyong nag-birthday?" I asked him playfully.

"Oh, madali lang iyon. Ipapabalot ko iyong sarili ko sa box tapos papadeliver ko dito and then..."

"Magda-dance ka ng That's what I like na sexy?"

"Iyong Pony sana sa Magic mike." Sagot niya. Nagkunwari akong nangingisay sa kilig. Sukat ba naman kinurot ni Apollo iyong ilong ko.

"Aray, fuck you ka ha masakit kaya!" Umingos ako. Tawa naman siya nang tawa. Bigla niya akong hinawakan sa baywang tapos ay hinalikan sa labi – matagal, playful kiss lang tapos may kasamang tongue parang naglalaro lang siya sa labi ko.

"Tama na..." Bulong ko. "Male-late tayo. Mamaya na lang."

"Mamaya itatali kita."

I felt the rush of excitement.

"Okay! Fifty shades pala tayo mamaya!"

Tumawa na naman siya. I like making him laugh. Nang maayos ko ang tie niya ay ako naman ang nagbihis. I wore a black cocktail dress. Umabot lang ang haba niyon sa ibabaw ng tuhod ko. Litaw ang likod niyon. It's just a simple dress na tinernuhan ko ng diamond necklace na bigay sa akin ni Apollo noong nag-enroll ulit ako ng college. Bagay na bagay iyon sa engagement ring na bigay niya rin sa akin.

Siyempre, kahit paano nag-heels naman ako. Medyo tumaas ako ngayon. Sure akong abot na ako sa balikat ni Pol.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan. Naghihintay na kasi siya sa akin. And I found him there, near the stairs looking at me like he was seeing something so... beautiful...

I saw him swallowed a couple of times hanggang sa makarating ako sa dulo ng hagdan. I was smiling. Parang naiiyak siya.

"What's wrong?"

"Nothing... It's just that, I imagined this moment to be our wedding day and that you were at the end of the aisle walking towards me. It's overwhelming..."

What he said touched my heart.

"So overwhelming that it made me want to cry. And then I realized that it's because I love you so much. All my life, Castalia, I needed to work hard to prove to everyone that I am worthy of my surname but with you, I just have to be myself because you love me nonetheless."

"Of course, Pol. Ikaw lang naman talaga..." Mahina at nahihiyang bulong ko. He kissed my forehead.

"They say that when a Consunji love, we only loved once."

"Diba you only live once iyon? YOLO?"

"Luka-luka!" Hinawakan na niya ang kamay ko at lumabas na kami ng cabin. Sumakay kami sa motor niya. I sat like a lady and then hugged him very tight. Ang bango – bango ni Apollo. Actually kahit na once a day lang siya maligo o kahit hindi siya naligo, ang bango niya pa rin. Amoy fresh wood siya tuwing Spring.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon