Wewe's
I don't know what to say to Apollo. I couldn't even look at him in his eyes. He was staring at me with those pretty intense wide eyes. Napalunok ako at nag-iwas lalo ng tingin.
"Bakit, Wewe? Hindi mo na ba ako mahal?"
Lalong hindi ako nakasagot. Tinanaw ko si Eli na sa ngayon ay nakalagay sa balikat ni Achilles habang tawa nang tawa dahil nagbabatuhan ng basing buhangin si Heph at Oliver. Si Percy naman ay nagpapalipad ng saranggola.
"Tinatanong kita. Hindi mo na ba ako mahal?"
"Mahal kita, Apollo." Makatotohanang sagot ko. "Apat na taon ang lumipas pero hindi naman kita nakalimutan kahit subukan ko pa dahil sa araw – araw na nakikita at nakakasama ko si Eli, naalala kita. I don't know if having her is a curse because of her, hindi ako makakawala sa alaala mo, pero hindi ko rin naman gusto na hindi siya nabuhay because Eli completed me. She made me the person I am today at dahil rin sa kanya mas lalo ko pang nakilala ang sarili ko. I love her, I love you but---"
"But what?" Giit niya. I looked at him.
"I don't know if I should believe you, Apollo. Hindi ako galit noon dahil nakipag-sex ka sa iba – although nakakagalit iyon but really, not telling me about Ona---"
"Sure! Maybe it's my fault!" Tumayo na naman siya. Nanlaki na naman ang mga mata ko. "But it didn't matter!"
"UPO!" Sigaw ko sa kanya. Mukhang nagulat siya at naupo rin naman ako I sighed again.
"Kapag ba napatunayan kong wala akong kasalanan, babalik ka ba sa akin? Pauuwiin mo na ba ako? Because for the last four years of my life, I feel like I am in a dark forest, Wewe and I am lost. Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong uwian."
"Mommyyyyy!" Napatayo ako nang sumigaw si Eli. Karga pa rin siya ni Achilles na naka-pulang board shorts lang ngayon. "Mommmyyy!"
"Yes, anak?" Tanong ko habang sinasalubong sila.
"Makati daw iyong likod niya hindi naman matigil sa kamot."
Napangiti ako at kinuha siya kay Achilles.
"Inaatok na siya kapag ganoon. Magna-nap na ha. Tama na ang laro. Maliligo muna ikaw. H'wag ka nang magreklamo. Alam mong bawal ang dirty feet sa bed natin."
"Opo, Mommy." Sabi niya at yumakap sa akin. Tiningnan ko si Apollo at saka siya nilagpasan. Pumasok na kami ni Eli sa bahay at dumiretso kami sa bathroom. Hinubad ko ang tsinelas ko at pumailalim rin sa shower para mapaliguan na siya. Kinuha naman niya ang laruan niyang bibe at pinaglaruan iyon habang pinaluluguan ko siya. Napapasin kong napapapikit na siya habang nakatayo siya sa ilalik ng dutsa. Nang mabanlawan ko siya ay lumabas ako saglit para kunin ang tuwalya pero inabot na agad sa akin iyon ni Apollo.
"Mommy! Alis siya! Makikita niya ang pempem ko!" Frantic na sigaw ni Eli. Napangiti lang ako. Hindi naman umalis si Apollo. Lumuhod naman ako sa harapan ni Eli upang tuyuin ang katawan niya pagkatapos ay binalot ko siya sa towel.
"Can I?" Apollo asked. Kakargahin ko kasi si Eli kaya hinayaan ko na lang siya. Itinuro ko kay Apollo ang kwarto naming mag-ina. Sinusundan ko naman sila ng tingin. Alangan si Pol sa bahay ko. Kaunti na lang kasi ay mauuntog na siya sa kisame ko.
Inilapag ni Apollo si Eli sa ibabaw ng kama namin. Naupo siya sa gilid niyon habang si Eli ay nilamutak na naman ang mukha niya.
"Hindi ba ito matatanggal? Kasi now lang ako nakakita ng tao magkamukha ng sobra."
"Kakambal ko kasi si Achilles."
"Achi—ano? Ang hirap naman ng pangalan niya. Achibes."
"Achilles. A-chil-les. Achilles.
BINABASA MO ANG
Locked Away
General FictionFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...
