06. There's more of...

98.3K 2.8K 575
                                    

Pol's

"Nasaan si Teteng?"

It was my mom's voice that I first heard right after entering the mansion. Karga ko pa rin si Wewe and when I looked at her, napansin kong nakapikit na ang mga mata niya. Her breathing was slow and steady. Tulog na tulog na siya kaya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Pagpasok ko ng mansion ay sinalubong ako ng maid. Ibinigay ko sa kanya iyong trolley ni Wewe pagkatapos ay nagtuloy na ako hanggang sa living room. I was carrying her like she was a fragile little child that needs to be taken care of.

She must be tired from all the crying she did these past few weeks. I hated myself for letting her. Pwede naman akong makinig pero mas nauna talaga ang galit ko. And I blame my mother's DNA for it.

"Pol..." Narinig ko ang boses ni Papa. I looked back. Nahuli ko siyang nakangiti habang nakatingin sa amin. "If she's taller than that, hirap ka sigurong gawin iyan, anak." Biro niya pa. I shook my head. "Hinahanap ng Mama mo si Wewe."

"Tulog na, Pa. Pwedeng mamaya na lang po?"

"Ipakita mo lang saglit. Hindi naman mapapakali iyon."

Tango na lang ang isinagot ko. Sa ganoong posisyon ay pumasok ako sa living room. Tia raised her brow when she saw me. Si Achill naman ay punong-puno ng amusement sa mukha. Si Percy ay nakangisi.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit naroon si Engineer Lopez. Nakaupo siya sa tabi ni Percy at titig na titig siya sa amin ni Wewe.

"Ay, naku bakit naman ganyan iyang si Tete?"

"Ma... Wewe po." Nakangising sabi ko. "Hayaan mo na muna siyang matulog, Ma. Pagod po ito."

"Okay. Sabihin mo sa kanya dito na siya mag-dinner. Saka suot niya iyong pinamili kong damit niya."

Humawak si Tia kay Mama. "Ma, ikaw din, magpahinga ka na. Don't wander off like that again." Sabi pa ni Tia.

"I didn't wander off! I was with Helios Demitri."

"Ma, the Demitris are in Greece." Pagbibigay-alam ni Percy. I sighed. Mama's having one of her episodes again.

Tumalikod na ako para iakyat si Wewe sa dating silid ko. Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama. She was in deep slumber. Kinumutan ko siya at saka hinagkan sa noo. Akmang aalis ako nang umungot siya at hinawakan ako sa braso.

"Stay, please..."

"Oh, baby..." I kissed her forehead again. Tinabihan ko siya at niyakap nang mahigpit. Isiniksik niya ang sarili niya sa akin. Her face was on my chest. I could feel her breathing and it makes me love her more.

The mere fact that she's breathing makes me fall for her even more...

Hindi ko namalayang nakatulog na rin ako. When I woke up agad ko siyang hinanap. Wala siya sa tabi ko. Agad akong nag-alala. Did she leave again? I swear if she had left again, makakatanggap na siya ng parusa sa akin ngayon!

Pero narinig ko iyong lagaslas ng tubig sa bathroom. Pumasok ako roon and I found her fully clothed under the shower while still crying. Nakadama ako nang pag-aalala. Agad ko siyang nilapitan.

"Wewe... what happened?" When she looked at me, I saw dead eyes. Tahimik siyang umiiyak tapos ay itinaas niya ang mga kamay niya na tila ba nagpapabuhat sa akin. I carried her to bed again. She wiped her tears.

"What happened?"

"I had a nightmare." Mahinang wika niya.

"About what?" I caressed her face.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon