Pol's
"Where are we going again?"
Tiningnan ko nang masama si Achilles na nasa passenger's seat sa tabi ko. Si Percy ang nakaupo sa backseat kasama rin namin sa kotse si Oliver habang si Hephaestus naman ay nasa likuran ng sasakyan naming, naka-motor. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan lahat sila ay kasama. Magkakapatid ang mga magulang namin pero hindi naman yata iyon dahilan para sumama silang lahat dito. Kulang na lang si Artie, si Iris, Si Telulah at si Mazikeen – kumpleto na kaming mga apo ni Lukas Consunji.
We were driving papunta sa Quezon. Mula nang malaman ko kanina kung nasaan lang si Wewe sa loob ng apat na taon ay hindi na ako tumigil sa pagmumura. Nasa Quezon lang siya and that's like hours away from Tagaytay! Putang ina! Ibig bang sabihin na walang alam talaga ang Nanay niya sa kung nasaan siya? Putang ina lang kasi!
"We like saw Ate Wewe at the mall with a kid. Baka anak ni Kuya Pol kasi Eleithiya ang name." Paliwanag ni Percy.
"Sa Quezon?" Tanong ni Oliver. "Saan sa Quezon?"
Napakuyom ang mga palad ko. Alam ko lang na nasa Quezon siya pero saan nga ba?
"Sa Sariaya iyon." Sabi ni Achill. Bigla akong nagpreno. Nauntog si Achilles sa dashboard. Napansin kong nauna na ang motor ni Heph.
"You fucking know where she is?!" I hissed at his face.
"Of course! Pero two months ago lang. Nakita kasi siya noong kapatid ni Betchay sa Panagbenga noong month na iyon. Naikwento niya sa akin kaya naisip kong ipahanap ulit siya. Ayon, nakita naman siya ng mga tauhan ko sa Baguio kaya pinasundan ko kung hanggang saan siya and ayon nga, nasa Quezon nga siya. Apat na taon na yata siyang nakatengga sa Quezon. Architect na rin siya at nagtatrabaho siya para kay Lenos Demitri ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko. He knew! He fucking knew and he didn't tell me! Sa inis ko ay dinaklot ko ang nasa pagitan ng mga hita niya. Napasigaw si Achilles.
"Puta ka! Bakit hindi mo agad sinabi?!" I am very mad right now.
"Bakit hindi mo rin sinabi agad kung nasaan si Betchay noon?!" Ganting sigaw niya sa akin na parang bata. Sasapakin ko si Achilles nang biglang hinarang ni Oliver ang kamao ko.
"Putang ina kayo! H'wag kayong mag-away ang mahalaga makita natin si Ate Wewe para naman matapos na ang tigang years ni Apollo! Baka nangangalawang na ang mga toys niya!"
"Ay shit!" Sabi ni Achilles tapos tumawa. "Ikaw na ngayon si Lumot Man!" Sa inis ko ay sinapak ko na talaga siya sa gilid ng ulo niya. Percy was just looking at us.
"I wonder if the Demitri brothers talk and act like us. I mean, they're so serious. Lalo na si Hyron na parang constipated lagi."
"The other Vejar brothers bond over make-up and manipedi." Sabi ni Oliver. Si Kairos at si Alejandros ang sinasabi nilang dalawa. Si Alejandros na bakla daw pero nakabuntis naman at ngayon ay mag-a-anim na taon na ang anak kay Elisha.
Nag-ring ang phone ko. Sinagot ko. Si Hep hang tumatawag.
"Where the fuck are you? Nauna pa ako sa inyo dito!"
"Oo na! Mgda-drive na!" Bago ako tumapak sa gas ay dinaklot kong muli ang nasa pagitan ng hita ni Achilles.
"Aray! Tang ina ka, Lumot Man!"
"Mas malaki pa rin ang sakin!" I grinned at him.
"Still the fact remains that Heph wears XXL condoms." Sabad ni Oliver. We all looked at each other tapos ay nagmaneho na ako. Halos magmamadaling – araw nang makarating kami sa Sariaya.

BINABASA MO ANG
Locked Away
General FictionFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...