Pol's
"Wewe, wake up. Your mother is here..."
I kissed her forehead while waking her up. Maya-maya ay iminulat na niya ang kanyang mga mata. She was smiling – ah! That smile is enough to make my day.
"Nandito ang Mama mo. Kasama iyong Lola niya. Mag-ayos ka na. I'll talk to them." Hinagkan ko siyang muli sa noo at saka tumayo na. Muli akong bumaba sa living room. Napasimangot ako nang makita kong naroon si Ona, nakatayo na para bang hindi mapakali. She looked at me, she smiled seductively – kung ibang lalaki matutuwa, ako nag-init ang ulo ko.
"Do you want coffee?" I asked Wewe's mom. She nervously shook her head.
"Nasaan na ba si Lia? Kanina ko pa siya hinihintay..." Wika noong Lola ni Wewe.
"Nag-aayos po. Kagigising lang kasi niya po." Magalang na wika ko. Napansin kong kanina pa nakatingin sa akin ang Mama niya.
"Mr. Vejar, how long have you known my daughter?" Tanong niya sa akin.
"Ilang taon na rin po but I feel like I've known her all my life." I grinned at her mother. Kung nandito si Achill malamang nabatukan ako noon. Tumango siya sa akin.
"And do you really wanna marry her?" She asked again.
"Yes. I have done things para lang makarating kami dito. I am going to marry her whatever happens. Ang usapan naming sa December pero kung mas maaga pa roon, mas okay. Kasal na lang naman ang kulang sa amin, Mrs. Lopez."
"But I just got her back..."
Naningkit ang mga mata ko. Ito na nga ba ang ayokong mangyari kaya ayokong sabihin kay Wewe ang tungkol sa magulang niya. I have predicted this and I don't like where this is going.
Natigilan ang lahat at napatatda nang makita si Wewe na pababa sa hagdanan. She was still wearing my shirt that she paired with her black leggings. Nakapusod ang buhok niya at wala siyang suot na kahit anong alahas but she still managed to light up the room.
"Lia!" Masiglang sigaw ng matanda. Agad siyang yumakap kay Wewe at binalingan si Mrs. Lopez. "Sabi ko sa'yo, Marianna, hindi ako nagkamali. Mata pa lang ng batang ito, alam kong siya ang nawawala kong apo!" Niyakap siya ng kanyang lola. I was shaking my head. Hindi kami natapos mag-usap ng Mama ni Wewe at hindi ko talaga gusto ang sinabi niya.
"Castalia..." Tawag ni Mrs. Lopez. Tumingin si Wewe sa kanya.
"Wewe na lang po. I was never fond of using that name. Ang tagal na pong panahon noon." Sabi niya pa.
"Ang arte ha." Sabi ni Ona sa gilid. Wala namang pumansin sa kanya.
"Wewe..." The mother smiled. "I came here to tell you that I would love it if you live with us in our mansion."
Nakuyom ko ang mga palad ko.
"Po?"
"Anak you have to understand, matagal kitang hindi nakasama. Gusto kong naroon ka..." Nagtiim ang mga bagang ko. They are going to take her away. I want her with me twenty – four seven. Napatingin sa akin si Wewe. She sighed.
"Pag-uusapan pa po namin ni Apollo iyan."
Noon ako napatingin sa kanya. Pinipigilan kong ngumiti.
"Anak, sana naman maintindihan mo..."
"Alam ko naman po, pero fiancé ko po si Apollo, magiging mag-asawa kaming dalawa at lahat ng desisyon namin pinag-uusapan po namin. Mag-uusap po muna kami, Mrs. Lopez."
BINABASA MO ANG
Locked Away
General FictionFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...