09. War

74.3K 2.7K 534
                                    


Wewe's

"Hello..."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko iyong pamilyar na boses ng isang babae. I saw Marianna – iyong anak noong Lola na pinipilit na apo niya ako. Nasa coffee shop ako ni Ino nang umagang iyon. Wala si Apollo dahil sinamahan niya si Achilles na sunduin ang mga magulang nila sa Tagaytay. Iuuwi kasi nila si Queen Hera sa CLPH para naman magkasama-sama daw ang pamilya. Isa pa, birthday din ni Tia bukas kaya magkakaroon sila ng maliit na celebration.

Ngumiti ako.

"Hello din po. Kasama ninyo po iyong Mama ninyo?" I asked her. She shook her head. Naupo siya sa silya sa tapat ng akin at pinakatitigan ako. She looked straight in my eyes and that made me feel warm and gooey inside. I smiled nervously at her.

"Okay lang po ba kayo?"

"Hindi ko alam." She said. "Hindi ko talaga alam, Miss..."

"Wewe."

"Is that your name?" Tumaas ang kilay niya.

"Iyon lang iyong tawag sa akin po." I smiled again.

"Anyway, hindi ako pinatulog ni Mama kagabi sa kakasabi sa akin na ikaw ang nawawala kong anak. Pero imposible kasi dahil matagal na panahon na iyon. Impossible dahil sumuko na ako."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero nakakaramdam naman ako ng kaba. I smiled at her.

"Hindi ninyo po dapat sinusukuan ang mga bagay – bagay. Habang buhay tayo, may pag-asa po."

"Alam ko... ang sabi mo ampon ka?"

"Opo."

"Can you..."

Bakit gusto niyang malaman? Anyway, sinabi ko na rin. Kahit parang itinatanong niya sa akin ang mga dahil baka inaakala niyang anak niya ako. Ako nga hindi ko matandaan ang kahit na ano sa nakalipas na taon ng buhay ko maliban na lang noong inaalagaan na ako ni Bobby Lactaotao.

"Well, my adoptive parents found me when I was nine..." Napansin kong mataman siyang nakikinig sa akin. Naikwento ko ang lahat – pati na rin ang pananakit sa akin ni Venus, pati iyong pagpapakasal k okay Magnus Horris na napakalaking pagsisisi sa aking parte.

Napansin kong iyak siya nang iyak. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin.

"I'm sorry for all the bad things that happened to you..."

"Naku, wala naman kayong kasalanan doon. Isa pa kung hindi ko pinagdaanan iyon, I won't be the person I am today." I smiled at her. Hinaplos niya ang mukha ko. Nagulat ako nang bigla siyang bumunot ng buhok ko.

"Aray!"

She laughed a little.

"Pasensya ka na, Hija... pero gusto ko ring makasiguro. There's a per cent of possibility na baka ikaw ang anak ko... ayokong umasa but my Mama seems so sure. I just... do you mind if we got you tested for DNA? If we're a match then maybe..." Bumukal na naman ang luha niya. "But that would be fucked up. Inilibing na naming si Lia..."

"Lia?" Namilog ang mga mata ko. "Lia din iyong pangalan ko. Castalia po."

Napatitig siya sa akin nang matagal hanggang sa bigla na lang siyang humagulgol at saka umalis. Nagtatakang sinundan ko naman siya ng tingin. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyong pag-iyak niya. Baka kasi masakit lang iyong ingrown niya.

Alas diyes nang umaga nang makatanggap ako ng message mula kay Apollo. Nakarating na daw sila sa Tagaytay. Nakangiting nag-reply ako at sinabing mag-ingat siya at kumain bago bumyahe pero medyo nabwisit ako sa reply niya OK lang. Palagi siyang ganoon. Kapag nagte-text ako one liner ang sagot o kaya man sa haba ng sinabi ko OK lang ang irereply niya. Minsan nakakapunyeta din si Apollo. Kung hindi ko lang mahal iyon...

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon