Wewe's
"Did you sleep?"
Pupungas - pungas na lumapit ako kay Apollo. He was standing in the middle of the balcony, half naked and smoking. Alam kong iniisip na naman niya si Tia. Nakatingin siya sa kawalan at para bang palalim nang palalim ang iniisip niya habang nagtatagal.
Niyakap ko siya mula sa likuran pagkatapos ay hinagkan sa braso. He sighed.
"I miss, Tia." Malungkot na wika niy. Hinaplos - haplos ko ang braso ni Apollo. Mula nang mailibing si Tia ay hindi ko siya iniiwang mag-isa. Nag-aalala kasi ako sa kanya. Hinahayaan ko na nga siyang manigarilyo para naman kahit paano maalis niya ang nararamdaman niyang stress sa pagkawala ng kapatid niya
"We all miss her." Mahinang wika ko. Tiningnan ako ni Apollo.
"Will you be the big spoon tonight?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. Nahiga kami sa kama at ako ng ang yumakap sa kanya. Hinahaplos ko ang noo niya habang hinihintay siyang makatulog.
Hindi ko na sinasabayan si Apollo pero napakarami ko ring iniisip. Isa na roon si Mrs. Lopez at ang lola ko. Pinipilit kasi ako ni Mrs. Lopez na doon tumira sa bahay nila. Hindi ko talaga matanggihan iyon dahil gusto ko rin naman siyang makilala pa nang lubusan pero hindi ko naman maiwan si Apollo.
Gusto ko man pero palagi kong iniisip si Apollo. Ayoko siyang mag-isa. I sighed again. Napansin kong tulog na siya maya-maya kaya inayos ko na rin ang kumot niya matapos iyon ay humiga na rin muna ako sa sofa. Ayokong maistorbo siya sa pagtulog. Ilang araw rin siyang puyat dahil binabantayan niya si Mama Hera.
Kinabukasan nang magising ako ay nasa kama pa rin si Apollo at tulog na tulog. Nagluto ako ng almusal at habang hinihintay siya ay naglinis na rin ako ng bahay pati paglalaba ay ginawa ko na.
Alas nuebe na ay tulog pa rin si Apollo kaya naisip kong gisingin na siya. Isa pa, mag-e-enroll na ako ngayon para sa second sem. Ayoko man siyang iwan ay kailangan ko namang magpunta sa school kaya baka isama ko na lang siya.
"Pol... gising na." Kinurot ko ang tungko ng ilong niya. He opened his eyes and sighed. Tahimik lang siyang bumangon. Hinawakan niya ang kamay ko tapos ay sabay kaming bumaba. Hindi siya masyadong kumikibo ngayon. Alam ko namang hindi pa siya okay. Siguro matatagalan pa bago siya maging okay. I dunno.
"Pol, pupunta ako sa university ngayon. Mag-e-enroll na kasi ako. Sama ka sa akin?"
"I want to pero kailangan kong umuwi muna kay Mama." Malumanay na wika niya. "Susunduin na lang kita bago ako magpunta roon para magkasabay tayo."
"Hindi na. Mauna ka na. Magta-taxi na lang ako papunta sa inyo." Matagal niya akong tinitigan.
"Okay lang sa'yo?" He asked. May tonong nag-aalala sa boses niya.
"Oo naman! Tetext kita kapag nagbabyahe na ako. Kumain ka na!"
Matapos kumain ay tinulungan naman niya akong magligpit. Sabay kaming naligo pero naligo lang talaga kami. He wanted to but he controlled himself kasi daw baka tanghaliin na kami.
Inihatid niya muna ako sa university bago siya umuwi ng Tagaytay. Inayos ko naman lahat ng dapat kong ayusin para madali lang akong maka-enroll.
By noon tapos na ako. Niyayaya ako ng mga kaklase kong sumama sa kanilang mag-lunch pero hindi na ako sumama kasi ng babyahe pa ako. Habang naglalakad ay nag-ring ang phone ko, akala ko si Apollo iyon pero nakita ko iyong pangalan ni Mrs. Lopez sa screen ko. Sinagot ko naman iyon.
"Lia, nandito ako sa parking lot ng school mo. Let's have lunch..."
Hindi na ako nakatanggi. Pinuntahan ko siya. Sumakay ako sa kotse niya. Luckily, wala si Ona kaya kahit paano ay nabawasan ang awkwardness naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Locked Away
General FictionFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...
