21. Rock and roll baby

125K 3.7K 833
                                    

Pol's

I couldn't quite believe what's happening I my life right now. Castalia's home, may bonus pang maliit na Eleithiya na kinatutuwaan talaga ng pamilya ko. Tulad ngayong umaga, pagbaba namin ng living room ay naglaro na kaagad sila ni Percy. Wala si Wewe, nagpaalam siyang pupunta siya sa Nanay niya ngayong umaga at hindi ko alam kung anong oras siya babalik. Ayoko man siyang umalis dahil hindi pa gaanong maayos ang sa aming dalawa ay hinayaan ko na rin siya. She will have to talk with her mother – iyon ang isang bagay na hindi niya pwedeng iwasan.

"Dadddyyy! Cereal monster si Pepsi!"

I was just watching them. Hinahabol ni Percy si Eli. Si Eli naman ay tawa nang tawa. Maya-maya ay lumapit na siya sa akin. She was catching her breath.

"Ayaw ko na." Umiiling na wika niya. Si Percy naman ay nilapitan siya para kilitiin.

"Tama na! Pagod na iyong anak ko." Bawal ko sa kanya. Percy sat beside me.

"Hey, Little Tia---"

"Eli nga! Eli!"

"Fine." Percry rolled his eyes. "Little Tia." He grinned.

"Eli nga!"

"I will call you Eli if you can say my name. Perseus."

"Pertos."

"Nah! It's Perseus."

"Four shoes? Ang dami mong paa!"

Ako ang natatawa sa usapan nila. Napakakulit ni Eli. Kung ano-anong sinasabi niya.

"Persues!"

"Pers--- Daddy inaaway niya ako!" Sigaw niya. Binatukan ko si Percy. Nagulat ako nang umakyat si Eli sa binti ko para makakandong siya sa akin. Napansin kong maparaan siya – parang si Wewe lang noon kapag may hindi siya kayang gawin lahat ng paraan ay iisipin niya para lang magawa ang bagay na iyon. Hinagkan ko sa noo si Eli.

"Apollo..." It was Mama's voice. Tumayo kami ni Percy. Si Eli ay nagaalambitin sa leeg ko.

"Daddy para kang giant. You're si laki! Pag nidaganan mo ako, patay ako."

"There's my little queen!" Nagliwanag ang mukha ni Mama nang makita si Eli sa leeg ko. "Apollo! That's not the right way to handle a child!"

"Ma, hindi nama—" Hindi na ako nakapagsalita dahil hinampas niya ako sa ulo pagkatapos ay kinuha si Eli.

"What do you want to do today, Eli? Gusto mo bang makakita ng diamonds? I have a lot." She said. Natawa kami ni Percy.

"Dadamons? Ano iyon? Kapatid ng Jejemon?"

"Apollo what is Jejemon?" Mama asked. Si Percy ay hindi na makahinga sa kakatawa. "And why is Percy laughing like that?"

"Ay, inaaway niya po ako! Nipeplay kami tapos nidadaya niya ako. Bad siya, Lola."

"Ikaw Percy ha! Do you want me to ground you?!"

"Ma! Twenty-nine na ako and you have Alzheimer's!"

"But that doesn't mean I can't ground you anymore! H'wag mong inaaway si Eli! Look at her! She's too precious!"

Napapangiti ako. May ibang apong babae si Mama pero si Eli ang unang apo niyang babae sa aming magkakapatid and it so happens na kapangalan ay kahawig pa siya ni Tia.

"Have you eaten?" Mama asked pero wala sa kanya ang atensyon ni Eli kundi nasa hikaw niya.

"Ang galing naman niyang nasa tenga mo po!"

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon