Epilogue: Beautiful changes

183K 5K 1.2K
                                        

Pol's

"Where the hell have you two been?"

Kababa lang namin ni Wewe ng motor nang salubungin kami ni Achilles. He looked as if he was very bored. Tiningnan niya ang mga kamay namin ni Wewe na magkahawak. Naningkit ang mga mata niya pagkatapos ay tumawa.

"Tang ina, nag-sexy time na kayo! Warak ba, Wewe! Lumot man kaya si Apollo!"

"Tarantado!" Sa bwisit ko ay hinabol ko siya. Si Wewe naman ay tawa nang tawa. Maya-maya ay lumayo siya sa akin. Noon ko lang napansin ang kotse ni Achilles sa gilid.

"Teka, time first! May surpresa ako sa'yo. Advance birthday gift." Kinawayan ni Achilles si Wewe kaya lumapit rin siya. She put her arms around my waist, ipinatong ko naman ang kamay ko sa balikat niya. Matapos iyon ay binuksan ni Achilles ang trunk ng kotse niya at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni Wewe nang makita niya si Ona na nasa trunk ng kotse ni Achill, naka-duct tape ang bibig at nakatali ang mga kamay. Magang-maga ang mukha ni Ona, may black eye siya sa magkabilang mata at iyak nang iyak.

"I told you to not do anything more!" Sigaw ni Wewe sa kapatid ko.

"Ano? Ganoon na lang iyon? May listahan kaya si Apollo nang gagawin sa kanya. Sampal, suntok, tadyak, sipa. H'wag kang mag-alala, Wewe hindi naman ako iyong gumawa. Si Liv."

Napamura siya. Tinapik ko naman ang balikat ng kakambal ko.

"Great job, Achilles. As a birthday gift, bibilan kita ng red lambo."

"Oh yeah! Happy birthday, Pol!"

"Wala kayong awa." Mahinang bulong niya.

"Bes, we're Consunjis. Hindi kami talaga naaawa." Natatawang wika ng kakambal ko.

"Tumawag ka nang ambulance!" Sigaw ni Wewe kay Achilles.

"Hindi na. Hayaan mo na siya." Sabi ni Achilles nagtawanan pa kami.

"Kung ayaw ninyo ako ang tatawag ng ambulansya!"

"Fine." Wika pa ni Achilles na para bang masama ang loob na tumawag nga siya ng ambulansya. Kung ano ang tatanungin, ayoko talaga. I want her to die a painful and slow death, masyado lang talagang mabait si Wewe at nakakayanan niya pang bigyan ng pagkakataon ang siraulong babaeng ito.

Iniwan na namin siya doon. Ang driver na ni Achill ang bahala sa kanya. Pagpasok namin sa mansion ay hinanap agad ni Wewe si Eli. Ang sabi ng maid ay nasa silid siya nila Mama at Papa. Doon kami dumiretso. Kumatok ako at pumasok sa loob, kasunod ko si Wewe. Nakita namin si Eli na nakasakay sa likod ni Papa at nag-iikutan sila si Mama naman ay tawa nang tawa.

"Ay! Hala kang bata ka!" Napasigaw si Wewe. Agad siyang lumapit kay Papa at kinuha si Eli. "Nakakahiya kay Mr. Vejar!"

"Ano ka ba naman, Wewe?" Natatawang wika ni Papa. "May apo na ako sa'yo at lahat hanggang ngayon ay Mr. Vejar pa rin ang tawag mo sa akin? Tawagin mo akong Papa."

"Po?"

I smiled. I love it when her eyes widened like that. Para bang bago nang bago ang lahat sa kanya.

"Tete, dito na lang matutulog si Eli sa amin ni Hades."

"Po?"

"Mommyyyy! Nakakita ako ng damamons! Madami! Tapos sabi ni Lolo Hades pupunta daw kami sa Dixmeylan! Nandoon daw kasi si Mickey Mouse saka si Moana!"

"Hala. Naku..." Hiyang-hiya ang future wife ko. Inakbayan ko siya.

"Let them. Si Eli ang unang babaeng apo. Let them spoil her."

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon