Wewe's
Hindi ko alam kung ma-e-excite ba ako o malulungkot because I have to go through all of these alone. Matapos akong bigyan ng referral letter ni Dra. Santos ay pinadiretso niya ako kay Dra. De Luna nang oras na din na iyon. Gustong-gusto kong nandito si Apollo kaya kahit alam kong busy siya ay tinagawan ko na siya ang problema hindi naman siya sumasagot. Nakakaramdam ako ng inis kaya tinawagan ko si Achilles para tanungin kung ano na bang nangyayari sa magaling niyang kapatid.
"Busy kasi talaga, Wewe. Nagpunta doon kahapon mga taga DENR. Kung ano-anong hinihingi nilang reports para sa pagsabog na nangyari noong nakaraang linggo, Wewe. Lilipad si Papa roon mamaya, kung gusto mo sumama ka sa kanya para magkita kayo."
Hindi na ako kumibo. Nakaramdam pa ako ng guilt kasi kung ano-anong naiisip ko sa kanya. Huminga na lang ako nang malalim para maalis sa isipan ko ang kung ano-ano. He's busy because of his work. Hindi dahil binabalewala niya ako. We've been through so much. Hindi kami sa walang communication kami babagsak lang.
Nagpunta na ako sa clinic ni Dra. De Luna. She was nice and friendly. Maganda rin siya at napakagaan kausap.
Pinaupo niya ako pagkatapos ay nagsimula siyang magtanong-tanong sa akin.
"Kailan ang huling menstrual cycle mo, Miss Ashworth?"
"Hindi ko na po kasi matandaan. Masyado po kasi akong abala."
"Okay lang iyon. May morning sickness ka ba?"
"Opo. Nakakapanghina nga po."
Napatango siya at nagsulat ng kung ano sa kanyang notepad. Maya-maya ay tumayo siya at niyaya akong pumasok sa isang maliit na silid. May mga aparatos roon. Pinahiga niya ako tapos ay pinalilis ang damit ko hanggang sa makita na ang tyan ko. Nilagyan niya ng kung anong malamig na gel ang tyan ko. Maya-maya ay may pinatong na kung ano. Maya-maya ay may narinig akong parang drum.
"Just as I thought. See the size of the peanut?" Tanong niya sa akin. "That's your baby and the drum thing that you're hearing is your baby's heartbeat."
Hindi ko alam pero bigla akong naiyak. I wished that Apollo's here to hear the baby's heartbeat.
"I know that it's overwhelming. Ganyan din ako sa una kong anak. Ngayon, Miss Ashworth. Bibigyan kita ng vitamins para sa'yo at gatas para sa baby mo. H'wag na h'wag mong kakalimutang kumain, Miss para maging healthy ang pregnancy mo. Pero be careful pa rin ha. Bawal ma-stress ha. H'wag magbubuhat ng mabigat."
Tango lang ang naisagot ko sa kanya. I was smiling while tears are falling down my face. Agad akong dumiretso sa botika para bumili ng mga ipinabibili ni doc sa akin. Matapos iyon ay dumiretso ako sa bahay namin ni Apollo. Kumain ako, pinilit ko kahit na ayaw na ayaw tanggapin ng sikmura ko. Sinimulan ko na rin ang pag-inom ng gatas ko at ng vitamins ko.
Nang nasa kama na ako ay tinawagan ko si Apollo. Luckily sumagot siya sa video call ko. He was in his room and he looked so tired. Itim na itim na ang ilalim ng mga mata niya.
"Hey, Love." Bati niya. "I'm sorry for being MIA this past few weeks." Sabi niya. "Ang busy talaga. Ang laki ng gulong nangyari dahil sa pagsabog na iyon, Wewe."
Nakadama ako ng awa para sa boyfriend ko. Hinaplos ko ang mukha niya sa screen.
"Kumakain ka ba? Ang payat mo na." Parang naiiyak ako dahil sa hitsura nita. Pinilit niyang ngumiti.
"Yes, Wewe. Alam kong ayaw na ayaw mong nag-skip ako ng pagkain."
"I miss you."
"I miss you more." He said. "Sabay tayong matulog ngayon." He smiled. Nahiga na rin ako. Magkaharap kami. Kunwari magkatabi. Gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Baka kasi mawala ang pagod niya kapag narinig niya ang good news ko but even before I could say something, nakita kong himbing na siya sa pagtulog. I only smiled.

BINABASA MO ANG
Locked Away
Aktuelle LiteraturFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...