15. So far away

69.9K 2.4K 292
                                        

Pol's

I woke up the next morning alone in bed. I was still feeling a bit light headed. Gusto ko mang matulog pa ay hindi na pwede. Matutulog na lang ako kapag naroon na ako sa Metro at kasama si Wewe. I am really looking forward on seeing her and lying beside her. Mas masarap matulog kapag katabi ko siya. The warmth of her skin next to mine is a glorious feeling. Bumangon na ako para maaga akong makaalis. Magkakape at maliligo na lang ako para mawala ang antok ko.

I never slept like that in days. Iyong walang putol na tulog at nagigising sa madaling araw. Siguro, kampante na rin ako at tapos na kasi ang problema namin sa minahan.

I checked my phone before getting up. Baka nagtext si Wewe. May mga mensahe nga roon, galing kay Achill – na nagkukwento tungkol sa pamangkin ko at sinasabi na dapat ay i-like ko ang picture ni Vulcan sa IG niya. Si Percy naman ay nagtatanong kung kamusta na ako and that I have to go back to the Metro to visit Mama. Mamaya ko gagawin iyon – uuwian ko muna si Wewe.

Wala siyang message sa akin. Siguro tulog or busy. Mamaya naman magkikita kaming dalawa.

Bumaba ako ng kusina para magkape muna bago maligo. Nadatnan ko roon si Ona kasama si Sarita na nagkakape na rin. She looked at me and smiled.

"Good morning, Mr. Vejar. Did you sleep well?"

Hindi ko agad siya sinagot. She was too nice. I hate her guts still. Hindi pa nga siya humihingi ng tawad kay Tatay Ikeng. I sighed. Kumuha ako ng mug tapos ay nagsalin ng kape.

"I slept okay, Miss Lopez." Sagot ko. Binalingan ko si Sarita. "Anong oras kayo natapos kagabi?"

"Maaga rin, Sir. Nagsibalik rin kami agad sa quarters kasi nga mga pagod rin." Mabili niyang sagot. I nodded.

"I'll be leaving today. Uuwi na ako sa Metro. Take-over, Sarita. Ikaw na ang bahala kay Tatay Ikeng. Balitaan mo ako kapag may problema."

"Okay po, Sir."

Tumalikod na ako pero tinawag ako ni Ona.

"Pol – I mean Mr. Vejar. Kung luluwas ka na, pwede ba akong sumabay? I miss my mom."

"No." Mabilis kong sagot.

"Hindi lang naman ako. Si Donnie rin. Nagkasakit daw kasi ang anak niya. Sasabay na kami sa'yo." Si Donnie ang isa rin sa mga engineers ko dito sa minahan. Huminga ako nang malalim.

"Be ready in five."

Umakyat na akong muli para maligo. Hindi na ako nagdala ng kahit anong gamit. Mas gusto kong umalis na para makita ko na si Wewe. I tried calling her again but her phone just keeps on ringing. Nag-aalala na ako. Tinawagan ko si Clarisse para sabihan siyang pumunta sa bahay at silipin si Wewe. Baka masama na naman ang pakiramdam niya.

Nadatnan ko si Donnie at si Ona sa ibaba at naghihintay sa akin. Sinenyasan ko silang sumunod sa akin. Hindi naman nagtagal ay nakasakay na kami sa chopper. Nakaupo si Donnie sa tabi ko habang si Ona ang nasa likod. Tahimik naman siya, alam niya rin siguro ang lugar niya saka isa pa dapat mahiya siya sa akin sa mga pinagsasabi iya noon.

An hour and a half later, we landed on the roof deck of the Skyline Vejar Towers. May naghihintay ng tao sa akin noon. Pagbaba ko ng chopper ay ibinigay ay tinanguan ko na siya. Agad naman siyang pumasok sa loob nito at siya na ang nag-command.

Magkakabay kami nila Donnie na sumakay sa elevator pababa ng lobby.

"Thank you, Sir." Sabi ni Donnie sa akin.

"It's nothing. Balitaan mo ako sa anak mo."

Habang naglalakad palayo sa kanilan dalawa ay nag-ring ang phone ko. It was Clarisse.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon