17. Here it comes

91.7K 3.5K 1.1K
                                        


Wewe's

"Bakit hindi niya kaagad sinabi para na-email ko na lang sa kanya iyong revisions ng plano ko?"

Mataman akong nakinig sa kausap ko sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko dahil alam kong ang ending ng usapang ito ay iyong luluwas ako ng Metro para makausap si Lenos. Biglaan daw na hindi ito makakapunta ng Quezon dahil may emergency sa kompanya nila. Ayoko pa namang pumunta sa opisina ni Lenos dahil kamag-anak niya ang mga Demitri. Baka makita ako doon ni Heath o ni Hunter o ni Helios Demitri at baka masabi nila kay Apollo tapos malaman niya, makikita niya ako.

Ayokong magkita kami.

Hindi pa ako handa.

"Sorry po, Ma'am. Nabigla rin po si Sir. Kung okay lang daw po ipapasundo niya kayo ngayon."

"Fine. Para matapos na rin ang usapan." Ibinaba ko ang phone. Maya-maya ay nagtext ang secretary ni Lenos na ala una nang hapon ang dating ng service ko. Mahaba pa ang oras. Maghahanap ako ng sasama kay Eli dito sa bahay pero hindi rin naman ako mapapalagay kung iiwanan ko siya kaya nag-empake na lang ako ng gamit naming mag-ina. Tinawag ko si Eli. Nang makita ko siya ay napasigaw ako.

"Ay, anak! Ang dugyot mo! Naligo ka na kanina ay!"

Punong-puno ng basing buhangin ang damit niya. Ngayon ko iniisip kung bakit sa beach front ako namili ng lupa, ngayon tuloy parang naging playground ng anak ko.

"Mommy makati ulit iyong pempem ko."

"Eh kasi nga nalalagyan ng sand. Halika at maligo ka ulit."

"Ayoko na. Naligo na ako kanina."

"Ay hindi pwede. Aalis tayo. Pupunta tayo sa Metro."

"Saan iyong Metro?" She asked with those innocent wide eyes.

"It's the capital baby. Pupunta tayo kay Tito Lenos."

"Ay! Sige po! Magpapasyal ba tayo?"

"Sure, naman anak. Hala, maligo ka na! Ayaw na ayaw mong maligo. Ang dungis mo! H'wag ganoon. Manang-mana ka---"

"Sa Daddy ko?"

Natigilan ako. Isang beses kasi ay lumabas iyon sa bibig ko. Hindi na nakalimutan ni Eli. Napatango na lang ako.

"Anong hitsura niya, Mommy?"

"Pangit iyon. Tandaan mo tayong dalawa lang ang magkamukha. Okay?"

"Opo!" Pinapasok ko siya sa bathroom tapos ay pinaliguan. Maya-maya ay binihisan ko na rin at hindi naman nagtagal ay dumating na ang kotseng susundo sa aming dalawa.

"Mommy bakat po iyong diaper ko."

"Okay lang iyan, anak. Ganoon talaga." Kinarga ko na siya at lumabas na kami ng bahay. Siniguro kong naka-lock iyon. Kinawayan ko si Mrs. Garcia – ang kapitbahay namin at saka ako sumakay sa kotse.

"Excited po ako, Mommy."

I know she is very excited. Ako lang ang hindi. Ayoko talaga sa Metro. Kapag naroon ako, liliit ang mundo naming ng ama niya. And God knows what he will do the moment he finds out about Eli.

Eli was sitting properly beside me pero nang makalabas na kami ang Sariaya ay nanlalaki na ang mga mata niya sa nakikita niya sa paligid. I was expecting na makakatulog siya sa byahe. Anim na oras din ang byahe papunta ng Metro pero heto ang anak ko, aliw na aliw sa mga tanawin.

"Ang ganda!" She uttered. "Mommy doon na po tayo magtitira? Gusto ko may beach pa rin po!"

"Hindi baby, we're only there to see Tito Lenos." Wika ko pa. She nodded. Nakaluhod siya sa may window habang binubusog ang sarili niya sa tanawin. Dahan-dahan anng dumidilim ang paligid. Maya-maya ay bigla na lang humiga si Eli sa tabi ko. Nakatulog rin ang baby girl ko. Hinaplos-haplos ko iyong buhok niya.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon