Finally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life.
Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Four fucking long years
"Mommy! Mommy! Makati po iyong pempem ko! Mommmmyyy!"
Agad akong pumasok sa loob ng bahay para tingnan si Eli pero wala siya roon. Umikot pa ako para hanapin siya. Patuloy naman siya sa pagsigaw.
"Mommy! Nakagat po ng alimago iyong pempem ko!"
"Eli! Nasaan ka ba?!" Hindi ako magkandamayaw sa kakaikot. Finally, nakita ko siyang nakatayo sa may dalampasigan. Basa ang short niya. Malamang lumusong na naman siya sa dagat nang hindi nagpapaalam. Agad ko siyang kinuha.
Hindi ko naman malaman sa anak kong ito, tatlong taon pa lang siya ay kung saan-saan na nakakarating. She exceptionally loves the see – I don't know why – maybe because that was where she was conceived. Kinarga ko siya.
"Mommy, kati ng pempem ko." Nakasimangot siya. "Baka nalagay ng sand."
"Bakit ba kasi nagpunta ka dito, diba sabi ko sa living room ka lang? Paano kung lumakas iyong alon?" Mahinahon ngunit mariin kong wika. Matigas ang ulo ni Eli. Malamang mana sa mga tiyuhin at ama niya. She looked at me.
"Bored po ako, Mommy."
"Sana nanood ka ng tv. Baka malunod ka."
"Hindi naman po nalunod si Moana." Sagot niya sa akin. Natawa ako bigla. Hinalikan ko siya sa noo tapos ay kiniliti ko siya sa leeg. Tumawa siya nang malakas na may halong tili.
"Pero, Mommy, Makati ang pempem ko!"
"Shhhh! H'wag mong isigaw! Nakakahiya sa kapitbahay!" I was laughing along with her.
Pumasok kaming dalawa sa bahay at idiniretso ko siya sa bathroom. Hinubad ko ang damit niya at saka pinatuluan siya ng tubig galing sa shower.
"See, may sand nga iyong pempem ko, Mommy kaya makati." Tumawa pa siya.
"H'wag ka nang pupunta sa may dalampasigan nang hindi nagpapaalam ha." Sinabunan ko ang katawan ni Eli. She is my treasure. Ang ganda-ganda niya – hindi ko sinasabi dahil anak ko siya at galing siya sa akin pero maganda nga siya. Hindi ko alam kung sino ang kahawig niya sa mga kamag-anak ni Apollo pero sigurado ako na sa kanila nakuha ni Eli ang hitsura nito pati na rin ang ilan sa mga ugali niya.
Her name is Eli short for Eleithiya Adrianna. I named her after her late aunt and her Lola. She's three years old at ang nakakatuwa sa kanya ay ang pagsasalita niya ng tuwid. Hindi ko kasi siya bine-baby talk kahit na noong months old pa lang siya kaya heto, matatas na siyang magsalita sa murang edad niya.
Nang matapos siyang maligo ay pinagbihis ko na siya at pinagpahinga sa sala. I played her favourite movie – sa ngayon, gustong-gusto niya si Moana.
Bumalik naman ako sa mini office ko at doon ipinagpatuloy ko ang pgdo-drawing ng plano para sa kliyente ko.
Natapos ako sa pag-aaral at pumasa sa board exams. Kailangan ko kasing tulungan ang sarili ko kahit na noon ay hirap na hirap akong mag-apprentice dahil baby pa si Eli at wal akong mapag-iwanan sa kanya. I worked in a very private firm. Maliit lang amg firm na iyon at hindi kilala kaya alam kong safe na safe ako dahil hinding-hindi ako mahahanap ni Apollo o ng kahit sinuman.