19. Little things that bother her aren't so little

107K 3.4K 679
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mommyyyy, siya daw si Apollo Simoun Cons--- ano daw iyong apelyido niya?"

Tumingin si Apollo sa anak ko.

"Consunji – Vejar."

"Ang hirap namang ipronounce niyan! Totoy na lang apelyido mo para matandaan ko." Ginulo ni Apollo ang buhok ni Eli sabay baling sa akin. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Tumatakbo ang utak ko. Paano niya ako nahanap? Paano niya nalaman na narito ako sa Sariaya? How the hell did he uncovered my tracks? Hindi pwede ito. Hindi pa ako handang magkita kami.

Anong sasabihin ko?

Anong gagawin ko?

And why am I feeling like this? Siya ang may kasalanan sa akin! Siya ang nanloko! He slept with Ona and that devastated my whole being.

"Mommyyyy! Hungry tummy!" Sigaw naman ni Eli. Tumango ako.

"Lika, kumain ka na." Inabot ko ang kamay ko sa anak ko. Si Apollo naman ay ayaw siyang bitiwan.

"We're one, Wewe. If you take her, I'm coming with her." Matigas na wika niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Fine. Watch your head."

Pumasok ako sa loob. Bungalow lang ang bahay ko at ngayong nandito si Apollo sa loob ay para bang napakaliit niyon. Pumasok kami sa dining area. Naupo agad si Eli sa silya niya tapos ay sinenyasan niya si Apollo na maupo sa tabi niya. Bago ako sumalo sa kanila ay kumuha ako ng plato para sa kanya. Inabot ko iyon pero ang kinuha niya an gang plato ko.

Kumakabog ang dibdib ko.

"Let's eat." Sabi ni Apollo. Binigyan niya ng itlog si Eli. Tatlong sunny side up eggs lang ang niluto ko. Ibinigay niya ang isa kay Eli pagkatapos naman ay kinuha niya ang dalawang natitira. Nanlalaki ang mga mata ko. Sumandok siya ng kanin sa bandehado. Una binigyan niya si Eli tapos inubos niya ang nakalagay roon. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko.

Kinuha niya rin iyong natirang bacon – hanggang sa wala nag natira sa akin kahit ano dahil eksakto lang naman ang niluto ko. He ate everything. Si Eli naman ay ulam lang ang kinakain nang mapansin ni Apollo na hindi kinain ng bata ang kanin ay kinuha niya na rin iyon.

"Mommy milk po!" Tumayo ako para ipagtimpla siya ng gatas. Muli at bumalik ako sa kanya at binigay ito. Sinubo ni Eli ang puti ng itlog.

"Ayaw mo ng yello, baby girl?" Apollo asked.

"Ayaw. Gusto ko white. Si Mommy iyong nag-e-eat ng yellow." Kukunin ko na sana nang bigla niyang isubo. Nanlaki ang mga mata ko na naman.

"Yum!" He said. Tumawa si Eli habang nakatingin sa ama niyang patay gutom. Naghihirap na ba ang mga Vejar kaya inuubos ni Apollo ang pagkain namin ngayong almusal?

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon