Pol's
"Are you in school?"
Hinihilot ko ang sentido ko habang kausap ko si Wewe sa phone. Pababa ako ng kotse para dalhan si Tia ng bulaklak. Bumalik man ako sa Compostela ay halos araw - araw rin akong lumuluwas para dalawin ang kapatid ko.
"Oo. Nagtaxi na lang ako kasi ang hirap humanap ng parking space sa school." Sagot naman ni Wewe sa akin. Kung tutuusin ay pwede ko siyang ihatid tuwing umaga kaya lang napakaaga ng klase niya. Seven am pa lang ay nasa university na siya. Alas nuebe naman nang umaga ang dating ko ng Metro. Hindi kami halos nagkikita dahil busy na rin siya at finals na nila. I missed her.
"I miss you." Wika ko pa.
"Ako din, Pol. Kumain ka ba? Kumakain ka ba kahit mag-isa ka?"
"Hindi naman ako mag-isa. Kasama ko palagi si Tatay Ikeng." Nakangiting wika ko. I can feel her smiling.
"Okay. H'wag kang magpapagutom. May class na ako. Text kita mamaya Pol. I love you."
"I love you more." Tinapos na niya ang tawag ako naman ay pumasok na museleyo para ibaba ang bulaklak na dala ko. I touched Tia's grave stone and smiled.
"I miss you." Sabi ko. Hindi naman ako nagtagal roon. Agad rin akong umalis dahil kailangan kong bumalik agad sa minahan. Nagbukas na naman ng bagong kweba at kailangan naroon ako sa pag-inspect niyon. Naroon rin si Ona at mukhang alam naman niya ang gagawin pero hindi ako mapalagay sa mga tao ko. Hindi kSi kasundo ni Ona ang mga tauhan ko - lalo na si Tatay Ikeng kaya kailangan naroon ako para hindi magkagulo.
Alas dose nang tanghali nang dumating ako sa minahan. Sakto ang pagdating ko dahil nagtatalo na si Ona at si Tatay Ikeng.
"Ang hirap sa'yo tauhan ka lang dito pero kung makaasta ka akala mo mas mataas ka pa kay Me. Vejar! Tauhan ka lang dito at tulad ng lahat wala kang pinag-aralan!"
"Miss Lopez!" Sigaw ko. Noon siya tumingin sa akin. "He started it! Kanina pa ako sabi nang sabi na dapat magsimula na kami pero napakayabang niya. Ayaw niya akong sundin dahil hindi ikaw ako! Mas mataas pa rin ang posisyon ko sa kanya!"
"Shut up!" Sininghalan ko siya.
"Kay grabe magsalita ng babaeng iyon, Pol! Hindi man ako nakatapos ng kolehiyo, alam ko ang lupa dito at kahit kailan hindi ako trinato ni Sir Hades at Apollo kahit ni Achilles ng ganyan! Kung makapagsalita ka sa akin parang ikaw ang may - ari nitong minahan!"
"Tay, tama na po." Sinenyasan ko ang mga tao ko na bumaba na nang kweba. Naiwan si Miss Lopez roon kasama ako. I faced her.
"You have no rights treating Tatay Ikeng like that."
"Binastos niya ako!"
"Kabastos - bastos ka naman talaga! The way you force yourself to me back in the Metro? Ngayon nga kaya ka lang naman nandito ay dahil nandito rin ako. Are you acting like that to get my attention, Ona?"
Sinampal niya ako.
"Fuck you! Not everything is about you! Nandito ako dahil nagtatrabaho ako para hindi naman masabi sa akin ng nagmamagaling mong girlfriend na sampid lang ako dahil siya ang tunay na anak! Bumalik lang siya sa buhay ng Mommy ko nawalan na naman ako ng lugar. Ang swerte nga niya. Wala siyang ginagawa pero nasa kanya ang lahat."
"You don't know what she's been through."
"Yes and I don't care. Ang gusto ko lang ay magtrabaho so if you will excuse me, Mr. Vejar papasok na ako sa loob."
Humakbang si Ona. Siguro ay hindi niya napansin ang basa roon sa harapan kaya bigla na lang siyang nadulas. Nasapo ko siya.
"Damn!" She muttered at agad ring natigilan nang mapatitig sa akin. Pasimple ko siyang ibinaba at agad na lumayo sa kanya. Kumuha ako ng hard hat at flashlight saka pumasok na sa loob ng kweba para hanapin ang mga kasama namin.

BINABASA MO ANG
Locked Away
Fiksi UmumFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...