Prologue

30 5 0
                                    

Noong unang panahon, 

may mga nilalang na may pambihirang kakayahan.

Ginagamit nila ang kanilang kakayahan upang protektahan ang mga tao sa mga malalaking sakuna.

Sila ay kasama natin ngunit namumuhay bilang normal na tao. 

Pinagmamasdan at ginagabayan tayo.

Sinasamba ng mga tao,minsan kilala sa tawag na 

mahiwagang nilalang o pinuno

at kadalasan tinatawag silang Diyos.

Ngunit kaunti ang nakakakilala sa pinakamahusay sa kanilang lahat.

Sila ay mas malakas kaysa sa iba na mayroon ding pambihirang kakayahan.

Sila ay tinatawag na Masters.

Kahit sila ay may abilidad na hindi katulad sa normal na tao maari nila itong gamitin sa kabutihan o kasamaan. 

Nandito, kasama natin sa paligid ang Masters, pinagmamasdan at ginagabayan tayo.

Ang Masters ay hindi basta basta lang nanghihimasok sa sariling away ng mga ordinaryong tao.

Kapag nadawit na dito ang mga may pambihirang kakayahan tsaka sila pumapasok at nangingialam.

Kung ang kakayahan nila ay ginagamit sa kabutihan, sila ay tinutulungan ng Masters.

Ngunit kung ito ay gagamitin sa kasamaan, ang Masters mismo ang magpaparusa sa kanila dahil sa taglay nilang kakayahan walang laban sa kanila ang mga tao.




MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon