BEVERLY"Anong nahithit mo? Marijuana o shabu?" -tanong ni Peet nang magkita-kita kami ulit sa classroom.
"Floorwax ata pre." -gatong ni Ten at umupo sa upuan ko. Bastos. Punahin ba naman namumula kong mata. Eh sila kaya pahithitin ko ng abo. Mga punyeta sila.
"Baka katol lang." -dagdag pa ni Kori. Oh sige ako na ang osum na bullying-victim ngayong araw.
"Ang susupotive niyo ah." -pabagsak akong umupo sa hinila kong upuan.
"Kumusta na si Kaettle? Ayos na ba siya?" -tanong ng nagaalala ring si Kori.
Napabuntong-hininga nalang ako. "Hindi ko pa siya nakakausap."
"Kausapin mo na. Baka mamaya mag-breakdown na naman yun. Mahirap na." -singit ni Peet. Naguilty tuloy ako. Para kasing ang sakit ng mga salitang binitawan ko kanina. Ay wait. Masakit talaga yun. Sheez. Ang sama ko.
"Bev...no...it's not what you---"
"Bakit ate?! Hindi pa ba sapat ang presensya namin?! Hindi pa ba sapat na inaalala ka namin?! Kulang pa ba ang atensyon na nakukuha mo mula sa amin?!"
"No! It's not like that!"
"Then tell me why?! Bakit mo sasaktan ang sarili mo?! Bakit mo pipiliting mawala knowing na may mga tao sa paligid mo na natatakot na mawala ka?!"
"I-i'm sorry..."
"Kung nakakaalala lang si kuya malamang kasusuklaman ka niya! Masyado ka kasing makasarili ate eh! Masyado mong ineenjoy ang pagiging mahina! Nagpapatalo ka sa sarili mo! Sana man lang lumaban ka ate!"
"You don't know how hard it is for me!"
"I know! Kaya nga iniintindi kita diba? Kaya nga hindi kita iniiwan! Dahil alam kong wala na sayo ang lahat at ayokong makita na bumigay ka! Pero kahit anong gawin ko wala paring silbi..."
"I'm sorry..."
"Mabuti nga hindi nakakaalala si kuya. 'Pag nagkataon baka pati siya mawala sayo. You know I hate you right now. I hate you for being weak. I hate you for giving up. And I hate you because I can't totally hate you."
"Do you think she hates me?" -tanong ko at napatingin nalang sa kawalan. Wala na. Ang sama ko na.
"Nah. Pano niya naman kamumuhian ang isang osum diba?" -sabi ni Peet kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Ano na namang kailangan mo?" -tanong ko dahilan para mag-peace sign siya at mapangiti.
"Need ko assignment sa math bes. Hehe." -napairap nalang ako. Sabi na nga ba may kapalit ang pagtawag niya ng osum sakin eh. Lagi naman yan. Palibhasa di matanggap na ako lang nag-iisang osum sa school na 'to.
"Bev!" -napatingin ako sa may pinto nang may tumawag sa osum kong pangalan.
"Yow, Eva. Sap?" -bati ko. Lumapit siya sakin kaya napatingala ako sa kaniya. Hello. Nakaupo ako remember?
"Nagkita na ba kayo ni Kaettle?" -tanong niya na ipinagtaka ko.
"Oo. Kaninang umaga diba?" -sagot ko. Nagkita naman talaga kami kanina sa unit niya. Yung time na nakita ko siyang---stop.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
RandomIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********