Epilogue

28 5 21
                                    

TEN

One year later...

Dala ang binili kong bulaklak, dumiretso ako sa pwesto niya. Malayo palang hindi ko na mapigilang maluha habang papalapit ako sa kanya---habang nakikita ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang tuluyang pagbuhos ng luha ko nang makalapit na ako ng tuluyan. Parang pinupunit parin ang puso ko habang binabasa ko ang napakaganda niyang pangalan na dati ay sa papel ko lang nakikitang nakasulat. Ni minsan hindi ko inisip na darating ang araw na sa magaspang na lapida ko nalang ulit ito makikita.

Ibinaba ko ang dala kong bulaklak at umupo sa harap ng puntod niya. Sinindihan ko ang kandilang dala ko at muling huminga ng malalim.

Matagal na simula nang kunin siya sa amin—sa akin. Pero hanggang ngayon sariwang-sariwa parin sa akin ang lahat. Lahat ng paghihirap niya bago siya bumitaw. Parang kahapon lang nung araw-araw kaming nag-aasaran.

"I miss you...so much." -pinilit kong ngumiti habang hinahaplos ang pangalan niya. "I miss you so bad."

Hanggang ngayon nagsisisi parin ako dahil hindi ko nasabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng gusto niyang marinig. I took people around me for granted kasama na siya. Akala ko hindi darating yung araw na 'yun. Ang araw na 'to. Kung kailan araw-araw akong binabagabag ng konsensya at pangungulila ko.

"If I only treasured you, if I just didn't took you for granted..."

Napakarami kong 'what ifs' at 'if Is'. Pero kahit na ano pa man ang mangyari alam kong hindi na magbabago ang lahat. Hindi na babalik sa dati ang lahat. Hindi na siya babalik. Kahit na sisihin ko habangbuhay ang sarili ko wala nang magbabago. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Ginagawa ko lang miserable ang buhay ko.

Tama nga siguro sila. It's time to move on. It's time to accept the truth.

"Hindi na muna ako makakadalaw. Susubukan ko nang tanggapin ang katotohanan. I'll try moving on. Pero hinding-hindi kita kakalimutan. You're one of the greatest thing I've ever had."

Ramdam ko ang malakas na pag-ihip ng hangin na tinatangay ang bawat dahon sa mga punong nasa paligid.

"I'm so sorry for everything. Alam ko na ngayon na hindi ka masaya sa ginagawa ko sa sarili ko. I'm sorry. I've never been the best 'til you've gone. I'll try being the best you've ever wanted me to be."

Kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko ang muling paglakas ng ihip ng hangin. Nasa paligid siya. Ramdam ko siya.

"Hanggang dito nalang, dad. May naghihintay sa akin eh. Kelangan ko nang umalis. Babalik rin naman ako. Matatagalan nga lang." -tumayo na ako upang magpaalam.

"Tenrouje!" -napabuntong-hininga na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Peet. Hanggang dito ba naman sinusundan niya parin ako.

"Peet, alam mo yung privacy? Magbigay ka rin nun minsan." -reklamo ko nang makalapit siya.

"Antagal mo naman kasi! Kanina pa kita hinihintay!" -sumbat niya sa akin nang makalapit siya.

"Hindi pa nga ako nagti-twenty minutes dito."

"Ahh so gusto mo umabot ka muna ng twenty minutes? Sige wait lang." -sabi niya sabay talikod.

"Oh saan ka pupunta?" -tanong ko nang mag-umpusa siyang maglakad.

"Babalik sa sasakyan. Di pa 20 minutes eh." -sagot niya sakin and I mentally facepalmed.

"Gago." -binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa kanya imbes na makipagtalo pa kay Peet.

Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon