A/N: Dahil nawala ako ng matagal babawi ako sainyo. (Sana makabawi talaga ako."=.=)
BEVERLY
"Isa nalang! Dali!" -sigaw ni Ten habang pinapanood akong kumain ng ubod ng asim na lemon. Para siyang ewan habang sumisigaw. Pumapadyak-padyak siya na parang excited na excited habang hirap na hirap akong ubusin ang panghuling lemon na hawak ko.
"And bang! Mission accomplished!"-sigaw niya sabay abot sakin ng notebook ko.
"Oh my god..." -nanghihina akong napasandal sa sofa ng kwarto ko dito parin sa ospital. Nasusuka ako sa sobrang asim. "Bakit ako lang kumain?! Sabi mo sasabayan mo akong gawin lahat ng gusto ko?! Liar!" -singhal ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
"I said I will do it with you but I didin't said I will try it too." -ipinagmalaki niya sakin ang nakakairita pero nakakainlab na smirk niya. Leche landi ko na.
"You jerk..." -napabuntong-hininga nalang ako. Ayaw ko na siyang patulan. Sayang natitirang energy ko. Mas itinapat niya sa mukha ko ang notebook na hawak niya.
"Note it." -nakangiti niyang sabi. Can't he stop smiling? Hustisya sa puso ko please lang. Baka mamatay ako ng maaga dahil sa kilig. Jusq. What am I thinking?
Inagaw ko mula sa kanya ang notebook at inirapan siya but as expected tumawa lang siya. Hutek. Papatayin niya ata talaga ako. Shetz.
40: Eat 5 lemons
Check. Tinotoo talaga ng gago ang sinabi niya nung isang araw. Tutulungan niya akong gawin lahat ng nasa bucketlist ko. I feel very happy sa tuwing ginagawa namin ang mga bagay na nakasulat sa list ko. One week na kaming ganito. Puro tawa ang nagagawa namin kapag tinototoo namin yung mga bagay na gusto kong gawin. Dahil dun hindi na ako madyadong naa-awkwardan sa mga taong bumibisita sakin dito. Nagagawa ko nang makipagusap sa kanila nang walang ilangan hindi kagaya noon. It really feels so good. Yet I still feel so bad everytime I laugh. Kasi alam kong hindi magtatagal ang kaligayahang nararamdaman ko. Alam kong eventually I will experience the deepest melancholy that maybe could not have an end.
Just like one time, dumating dito si Ten na may mga dalang kpop merch daw at puro BTS ang design. Tinanong ko siya kung oara kanino, kung bakit siya may dala nun, kung anong ibig sabihin ng tatlong letrang 'yon. Kaya pala hindi niya ako sinagot dahil nakalimot na naman ako.
"Nagutom ako sa lemon na yun. Bibili lang ako ng pagkain sa baba. Don't you dare escape again or else-"
"Like I'll do that again." -inirapan ko nalang ulit siya at humiga s kama. Ipinatong muna niya sa mesa ang notebook ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
--------
"Should we start na, doc?" -tanong ko sa doktor na kaharap ko. Tinitingnan niya lang kasi ako mula ulo hanggang paa ng may pagtataka. Titingin nalang ba siya? Hindi niya na itutuloy ang test?
"Bev, what is...I'm afraid this could be...wait I know I said you could be worst but this isn't counted...or it is?" -puno ng pagtatakang tanong niya. I mean who wouldn't? Kung ikaw kaya doktor at magkaroon kq ng pasyenteng kelangang tingnan o i-check na nakasuot ng white lady costume hindi ka magtaka?
"Doc, matagal na ho yang malala." -sagot ni Ten kaya sinamaan ko siya ng tingin. Excuse me lang. Sino bang nagmake-up nito sakin edi ba siya. Muntik na nga akong maturn-off dahil akala ko zigzag siya but it turns out na ginawa niya palang praktisan yung kapatid niya noon.
"And hijo, bakit nahabihis ka rin ng ganyan? Are you excited that much for the halloween?" -dagdag ng doktor na kausap na si Ten na naka-vampire costume naman. Papakagat ako sa kanya mamaya. Hihihi. Charot. Biro lang. I don't wanna see mah own blood.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
RandomIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********