Chapter 8: How they met

20 7 12
                                    


BEVERLY

"Mamimiss ka namin. Huhu." -emote ni Eva na agad yinakap si ate Kaettle.  Naparoll-eyes nalang si ate sa reaksyon ni Eva at kumawala dito.

"Mag-iingat ka, Kaettle ah." -sabi ni Kori at nginitian si ate. Tumango nalang siya bilang sagot.

"Sino ba kasing nagsabi sayong umalis ka? Wala na tuloy akong mabubulabog." -yamot na sabi ni kuya.

"Don't mind him. Mag-iingat ka ate ah. Dapat pagbalik mo nakangiti ka na." -paalala ko at yinakap siya.

Bilib na ako sa kaniya. Tinanggap niya ang alok kong magpatingin sa espesyalista. Hindi biro ang kondisyon niya kaya kailangan niya ng tulong mula sa may alam. Buti nalang talaga at ginusto niya ring gumaling at sumaya ulit. Naeexcite na ako sa pagbalik niya kasi alam kong makikita ko na naman ang tawa niya. Makikita ko na naman silang masaya ni kuya.

"Thank you." -huling sambit ni ate bago punasok sa sasakyan. Kumaway kaming lahat habang pinagmamasdan ang paglayo ng sinasakyan siya.

"Sad life. Nabawasan tayo ng isa." -nanlulumong sabi ni Eva. Tama siya. Kahit hindi nagsasalita masyado si ate Kaettle kawalan parin siya. But it's for the best naman kaya ayos lang.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Adan. Buhay pa si Kaettle noh. Anong nabawasan? Malayo lang siya." -giit ni kuya at sinamaan ng tingin si Eva.

"What the--anong Adan?!" -galit na humarap si Eva kay kuya at tinanggal pa ang salamin niya.

---------

Tawa kami nang tawa habang papasok sa gate ng eskwelahan. Wala kaming tigil sa kulitan mula kanina. Tinutukso namin si kuya kay ate Kaettle at ang loko nagbablush. Kaya mas lalo namin siyang pinagtawanan kasi masyado pa siyang defensive. Tama nga naman yung sabi nila. Nakakalimot ang utak pero hindi ang puso.

"Teka, si Ten yun diba?" -biglang sabi ni Peet kaya napatingin kaming lahat sa tinuturo niya.

"Yak. Lumalandi ang gago." -sabi ni kuya. Bigla nalang uminit ang mukha ko. Feeling ko biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko siyang may kayakap na isang babae.

Naikuyom ko nalang ang kamao ko habang naglalakad kami palapit sa kanila. Bakit ba namin kailangang lumapit? Dapat bigyang privacy ang mga naglalandian diba? Ay hindi. Tama 'to. Bawal maglandian sa harap ko. Bawal siyang lumandi sa harap ko.

"Ten, pakboy!" -tawag ni kuya kay Ten kaya gulat na napabitaw si Ten sa kayakap niya. Natawa naman kami sa sinabi ni kuya. Watdang pakboy yan. Hahaha.

"P*ta anong pakboy?!" -inis na sabi ni Ten at pabirong umabante at tinaas ang manggas ng uniform niya.

"Bakit hindi ba? Sorry akala ko kasi. Hehe." -pagbawi ni kuya. Napatingin ako sa babaeng kayakap ni Ten at nanlaki nalang ang mata ko nang makita at makilala kung sino siya. Green headband, green shirt, green skirt, green boots, green bag and those dimples. Walang duda! This green earthling is no other than...

"P*tangina, Lake!!" -sigaw ko at dali-dali siyang yinakap. Napamura pa ako sa sobrang excitement. Gosh. Mah daughtuh! Mah aegi! "Kyaaahh!!"

"Ate Bev! OMG I miss you!" -sabi niya habang magkayakap parin kami sa isa't-isa. Hindi nagtala ay naghiwalay na kami sa isa't-isa. "Gosh ate! I really miss you!"

"I miss you too, baby! Ang laki mo na!" -napahawak ako sa magkabilang pisngi niya at linamas ito nang makita ko ulit ang dimples niya. "Oh my! Ang cute mo parin!"

"Oh tama na. Mapapatay mo na eh." -awat ni Ten at inilayo ang kapatid niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. Ang protective niya naman. Tss. Sabagay, 15 years old palang ang babeh ko. He better take care of her. But not from me kasi duhh, pano ko sasaktan ang isang gaya niya?

"Lake, ikaw nga! Teka, kailan ka pa bumalik?" -tanong ni Kori kaya ngumiti na naman si Lake and, God please pakiexplain kung bakit wala akong dimpols na gaya niya? Ang lalim bes huhu. Ang cute talaga ng anak ko. Mana sakin. Hihi.

"Just earlier po. Actually, kasama ko si Autumn." -nanlaki na naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Otommmm~~~

"Talaga?! Nasaan?! Nasaan ang isa ko pang anak?!" -excited kong sabi habang nakadikit ang dalawa kong kamay. Gosh, bro. Anong meron? Ba't ang ganda ng araw ko?

"Sabi na nga ba't ganyan magiging reaksyon niyan." -sabi ni Ten na nagbuntong-hininga pa.

"Ano bang meron? Sino ba yan?" -naguguluhang tanong ni kuya. Ay oo nga pala. Hindi niya kilala si Lake dahil nang magising siya galing sa coma di niya pa 'to nakikita. Si Autumn nga na pinsan namin di niya rin sana kilala kung hindi lang pinakilala ni mommy.

"Lakey!!" -natigilan kaming lahat at napatingin sa pinanggagalingan ng matinis na sigaw na yun. Agad na namilog na naman ang mata ko nang makita ko ang isang babae na kaedad ni Lake, nakasuot siya ng brown na headband, brown shirt, brown skirt, brown boots at brown bag. Oemjii, my other child!

"Autumn!!!" -sigaw ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa saya. Ang mga anak ko gosh. Ang lalaki na.

Natigilan siya nang makita ako pero agad rin siyang nagtatakbo papunta sa direksiyon namin. "Ate Bev!!"

"Hala! Ang lalaki niyo na!" -di makapaniwalang sabi ni Eva. Yinakap ko agad si Autumn nang makalapit na siya.

"Ate! I miss you!" -sabi niya at humiwalay sa yakap ko. Pinisil ko ang pisngi niyang parang sasabog na. Lahi ata namin ang mga ganitong cheeks. Gosh! It's so fluffy I'm gonna die!

"Yan ba yung Autumn?" -tanong ni kuya na nakatingin sa katabi niyang si Peet at nakaturo kay Autumn. Siguro hindi pa talaga pamilyar sa kaniya ang mukha ni Autumn lalo na sa personal kasi di niya naman masuadong tinitignan mga picture niyan na pinapakita ni mommy.

"Oo. Oh diba, L sabi ko sayo. Parang puno talaga yang dalawang yan." -bulong ni Peet na rinig naman.

"Oo nga." -inosenteng sagot naman ni kuya.

Puno talaga tawag nila sa kambal kong anak kasi si Lake parang mga dahon ng puno dahil green ang laging suot tapos si Autumn naman yung body ng puno kasi brown. Di ko alam ba't sila ganyan but they're so adorable gosh.

"I can't hear you, kuya paa." -sabi ni Lake na nakapamewang at nakataas ang kilay habang nakatingin kay Peet.

I really love this kids. Sinong hindi magmamahal sa kanila kung ganito sila kacute. Para na talaga silang kambal sa asal nila. Pareho pa ng ugali. And they have a wonderful friendship.

They are the reason kung paano namin nakilala ni kuya si Ten.  Noong bago pa siya maaksidente at mawala lahat ng alaala niya. Lake is Ten's sister at pinsan naman namin si Autumn. Nang maging mag-bestfriends silang dalawa, halos araw-araw na si Lake sa bahay namin. Araw-araw rin siyang sinusundo ng kuya niya kaya dun namin nakilala si Ten. Ang close nga nila ni kuya nun. Mas close pa kesa ngayon.

"Bakit kayo umuwi? Dito na ba ulit kayo titira?" -tanong ko kay Autumn ngunit umiling siya pero hindi parin naaalis ang ngiti sa mukha niya.

"Magbabakasyon lang kami ate but if nakita nila mommy that we are responsible na they letting us na magstay dito. Yun ang napagkasunduan nila at ng parents ni Lake." -ngiti-ngiti niyang sagot na sinang-ayunan ni Autumn.

"Yes! Isn't it amazing?!" -halata sa boses at mukha ni Lake ang excitement.

"No." -sabi ni Ten kaya napatingin kami sa kaniya. "That's hell." -sabi niya kaya napangisi nalang ako at nagkatinginan kaming tatlo nila Lake at Autumn.

"Hala, shit." -Peet.

"Paktay." -Eva.

"Ba't ngayon ko lang narealize?"-Kori. Mas lalo akong napangisi dahil sa mga reaksyon nila. Ganun din sina Autumn at Lake. Mga anak ko nga talaga.

**********

Feeling ko palame na ng palame haha. Sorry na sabi ng fab.:)))

.

Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon