Chapter 16: Worst Nightmare

14 4 10
                                    


THIRD PERSON

Hinihingal man at pagod na pagod na, wala paring tigil sa pagtakbo si Ten upang makarating agad sa paroroonan. Magmula sa ospital ay hindi na siya tumigil sa kakatakbo at kakahanap sa kaibigan na bigla na lamang tumakas sa ospital. Ang labis na pag-aalala ang pinanghuhugutan niya ng lakas upang hindi tumigil sa paghahanap. Nasuyod na halos nila ang buong lungsod ngunit hindi parin nila makita ang nawawalang dalaga kaya nagbabasakali siyang naroroon ang dalaga sa kanyang paroroonan.

Nang makarating sa maliit na gubat na nasa likod ng isang malaking bahay, dali-daling pumasok si Ten sa maliit na kweba at nakahinga ng maluwag nang makita ang hinahanap. Pinilit niyang ngumiti habang palapit dito na nakaupo sa kama habang nakatingin sa kawalan.

"Sabi na nga ba't nandito ka lang." -pabagsak na umupo ang binata sa tabi ng dalaga.

Ngumiti si Beverly kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Alam niyo na noh?" -tanong nito habang nakatingin parin sa kawalan.

Napabuntong-hininga na lamang si Ten at tiningnan si Beverly. Pilit niya mang itago ang lungkot at labis na panlulumo, hindi niya na magawa nang makitang tumutulo ang luha mula sa mga mata nito.

"Bakit hindi mo sinabi?" -seryoso nitong tanong habang nakaharap padin dito.

Muling ngumiti si Beverly, mapait na ngiti, na kasabay ng muling pagbuhos ng luha niya. "Ayokong alalahanin niyo ako. Tama nang kay kuya nalang nakatuon ang atensyon nating lahat. Sa kanya lang dapat tayo nag-aalala." -sagot nito nanikinakunot ng noo ng binata.

"Bev, alam mong magaling na ang kuya mo! Paano mo nagawang alalahanin ang kalagayan niya at pabayaan ang sayo?!" -hindi na napigilan ni Ten ang emosyon at naluha nalang dahil sa narinig at nasasaksihan.

Muli, lumuluha man ay hindi nabubura ang malungkot na ngiti sa labi ng dalaga. "That's what people wants. That's what my parents wants."

Tuluyang natahimik ang binata sa sinagot ng kausap. Kahit anong mangyari, pinili paring sumunod ni Beverly sa lahat ng ginusto at sabihin ng mga magulang. Kahit na kapalit nito ang sariling kaligayahan. Kahit ang sariling kaligtasan. Pati sariling buhay. Napailing na lamang siya na parang hindi makapaniwala.


"Natatandaan mo pa ba yung araw na nakita mo 'kong mag-isa sa park?" -tanong ni Beverly nang hindi binubura ang malungkot na ngiti. Hindi sumagot si Ten at nanatili lamang nakatingin sa mukha ng kasama. "Noong sinabi kong sumakit ang tiyan ko kaya ako pumunta sa ospital, I was lying. Hindi ako pumunta sa ospital dahil sa tiyan ko. Alam ko nang may mali sa akin kaya nagpatingin na ako sa doktor. And that was the day when my whole life literally changed. I've seen reality way too worst now. I stopped making my own fantasy when it gets destroyed. I accepted my cursed fate."

Muling bumalik sa isipan ni Ten ang araw na nakita niyang mag-isa at parang galing sa iyak si Beverly. Hindi niya inakalang nagsinungaling ito sa kanya. Hindi niya inakalang napaniwala siya agad nito. Naniwala siya dahil akala niya ay nagloko na naman ito at inatake ng kabaliwan.


"I lied. Nagsinungaling ako at itinago ko ang lahat kasi alam ko namang balewala na ako sa parents ko. Alam kong hindi rin lang naman nila ako iintindihin at patuloy lang na babalewalain. But now I realized that I'm such a fool." -wika ulit ni Beverly na ngayon ay humihikbi na. "Just like my fate, I'm a cursed fool na binalewala ang mga taong nag-aalala sa akin. Hindi ko inisip na may mga tao pang pinapahalagahan ako. I'm so focused on loving my parents. I have loved my family so much that I didn't even think that they're still people around who care for me. Masyado akong nasanay na balewalain ng mga magulang ko kaya nagfocus ako sa pagsunod sa lahat ng gusto nila. I'm sorry. I'm sorry kung hindi ko kayo inisip. I'm sorry kung hindi ko inisip ang mararamdaman niyo. I'm sorry kung itinago ko ang sakit ko. I'm sorry kung nagsinungaling ako. I'm sorry. I'm sorry." -dire-diretsong sabi ni Beverly na tuluyan nang napahagulgol.



Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon