SIMPLE PLAN-Welcome to my Life above☝😊
BEVERLY
"Bye ate!" -paalam ko kay ate Kaettle nang istart na ni kuya L ang sasakyan. Kumaway si ate habang nakangiti habang ipinapasok ng mga katulong ang gamit niya sa loob ng bahay.
Nang makaalis ay napabuntong-hininga nalang ako. "Kuya, ba't kasi umuwi na tayo?" -tanong ko habang nakapout.
"Wala sa Korea ang buhay natin." -sagot ni kuya kaya nakunot ko nalang ang noo ko.
"Kuya, andun yung buhay ko! Yung mga asawa ko! Hindi pa nga natin nakikita! Dalawang grupo palang nakikita ko! Yung iba pictures palang and bus! Huhu! Ayoko na." -pag-iinarte ko pero tinawanan niya lang ako. Bwisit siya. Pasalamat siya at nagdadrive siya kung hindi naku nalang.
"I hate you." -sabi ko at nag-cross arm sabay tingin sa labas.
"You will surely love me when your birthday come." -natatawa niyang sagot kaya tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya ng napakalapad habang diretso lang na nakatingin sa kalsada.
"Bakit?" -kunot-noo kong tanong. "Wait, ibabalik mo ba ako sa Korea? Babalik ba tayo sa Korea?" -excited kong tanong. Tumingin siya sakin sandali habang nakangiti kaya nakumpirma kong tama ako. "Waaaahh! Yehey! Ngayon palang love na kita!" -sabi ko at dali-dali siyang niyakap.
"Teka ano ba?! Mababangga tayo!" -dahil sa sinabi niya dali-dali akong bumalik sa pwesto ko at kinabit ang seatbelt na never ko pang ginagawa kapag kasama siya. I trust him you know? Hihi.
"Maaksidente tayo nang dahil sayo. Bwisit ka." -sabi ni kuya. Binelatan ko nalang siya.
Tumingin nalang din ako sa harapan katulad niya. Magsasalita sana ako nang bigla akong may mapansin.
"K-kuya..." -biglang lumakas ang tibok nang puso ko.
"Shit!" -dali-daling iginalaw ni kuya ang manibela para makaiwas. Parang gusto kong maiyak sa nakikita ko. Ang pag-iwas ng mga sasakyan. Ang paglayo nila sa disgrasya. Ang nakikita kong paparating.
"Kuya!" -napasigaw ako sa takot nang makita ko ang rumaragasang flappy bird---i mean truck na palapit sa direksyon namin.
"Tumabi kayo!" -sigaw ng driver ngunit kahit anong pag-iwas ang gawin ni kuya, nahagip parin kami.
------
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit naipipikit ko rin lang ito dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa akin. Ramdam kong may kung anong nakabalot sa sumasakit kong ulo. Anong nangyari? Nasaan ako? Bakit hindi ako makagalaw?
"Bev? Bev, naririnig mo ba ako?" -narinig ko ang boses ni Ten kaya pilit ko itong hinanap pero sadyang nakakabulag ang matinding liwanag na nakikita ko.
"Ate Bev." -boses ni Autumn. Gusto ko silang makita.
Unti-unti akong linulubayan ng matinding liwanag at unti-unting tumambad sa paningin ko ang puting kwartong kinalalagyan ko kasabay ng unti-unting pagbalik ng alaala ko.
Napsinghap nalang ako nang maalala ko ang nangyari. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko sina Autumn, Lake at Ten. Wala si kuya. Nasaan si kuya?
"K-kuya..." -pinilit kong magsalita kahit na hirap na hirap na ako. Hindi nila ako sinagot sa halip ay nagtinginan lang silang tatlo. "K-kuya...n-nasaan..."
"Bev, 'wag ka munang magsalita. Magpahinga ka na muna. Ipunin mo ang lakas mo." -nag-aalalang saad ni Ten pero hindi ko ito pinansin. Gusto kong umiling pero hindi ako makagalaw.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
RandomIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********