Emegesh! Chap 20 na! You know what I mean??😏😏
--
"Hintayin mo ako, Bev...please?"
Kasabay ng huling salitang binitawan ni Kaettle ay ang pagbukas ng mata ni Beverly.
"Sino ka?" -bigla nitong tanong kay Eva na nakatayo sa gilid niya. Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang apat nang dahil sa sinabi ni Beverly.
"B-bev?" -naguguluhang tanong ni Kaettle na nasa kabilang linya pa.
"Sino ka?" -muling tanong ni Beverly kay Eva at napatingin sa cellphone nito. "Sino yan?" -tanong nito habang nakatinginn sa cellphone.
"Bev...ako 'to si Kaettle. Nakalimutan mo na ba ako? Ito na ba yun?" -tarantang tanong ni Kaettle habang nanatili namang nakatingin kay Beverly ang tatlo na parang hindi makapaniwala.
"Kaettle? Sinong Kaettle?" -takang tanong nito. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto at napako ang tingin niya kina Kori at Peet na nakatitig parin sa kanya.
"Kori, sinong Kaettle?" -tanong ni Beverly kay Kori na ikinagulat muli ng lahat.
"Naaalala mo siya? Ako, Bev? Kilala mo ba ako?" -tanong ni Peet na nakaturo sa mukha niya, napaabante pa ito na parang may inaasahang sagot.
"H-hindi. Sorry. Sino ka?" -muling tanong ni Beverly kaya biglang bumagsak ang balikat ni Peet na kanina ay nabuhayan pa ng lakas.
"Bev..." -tawag ni Eva dahilan para mapatingin sa kanya si Beverly. Nakapatay na ang cellphone nito dahil pinutol na ni Kaettle ang tawag. "Hindi mo na kami naaalala?"
Nakunot ang noo ni Beverly sa tanong ni Eva. Imbes na sagutin ay tumingin na lamang siya kay Kori habang pilit na umuupo. "K-kori...anong nangyayari? Bakit ako nandito? Ospital ba 'to? Anong ginagawa ko dito? Sino sila?" -tuloy-tuloy nitong tanong na mas lalong nagpaiyak sa mga kasama.
"Kuya!" -masayang tawag ni Beverly sa kapatid na hinihingal na pumasok sa kwarto niya kasama sina Autumn, Lake at Ten.
"Bev!" -dali-dali niyang niyakap ang kapatid. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" -nag-aalala nitong tanong. Matamlay na umiling si Beverly na napatitig nalang sa kamay niya.
"They said...m-may sakit ako. T-totoo ba yun?" -malungkot nitong tanong kaya napatingin si L sa mga kaibigang naiwan para magbantay kay Beverly. Kasama na nila ang doktor nito.
"Magiging okay ka naman eh." -paniniguro ni L sa tulong na rin ng isang ngiti.
Napangiti nalang din si Beverly at napatingin sa direksyon ni Ten na nakatitig lang sa kanya. "Oh, Ten! Andyan ka pala!" -bati nito na ikinagulat ng binata. Akala nito ay nakalimutan na siya ni Beverly.
"Ah...oo. Hehe...yow bansot-no-more-Bev...hehe?" -nag-aalangan nitong sabi. Nakunot naman ang noo ni Beverly sa sinabi niya.
"Anong bansot? Bwisit ka!" -singhal nito ngunit nakatanggap lamang siya ng peace sign kay Ten. Napadako ang tingin niya kina Autumn at Lake na nakatingin rin sa kanya.
"Autumn!" -biglang sabi ni Beverly at ibinuka ang mga braso na para bang inaayang lumapit sa kanya si Autumn na agad naman nitong ginawa.
"Ate...akala ko--akala nakalimutan mo na rin ako." -tuluyan nang naiyak si Autumn habang yakap-yakap si Beverly. Samantalang si Lake naman ay naiyak nalang nang malampasan siya ng tingin ni Beverly at hindi pansinin. Niyakap na lamang siya ng kuya niya.
"T-teka..." -sabi ni Beverly habang nakatingin kay Lake at Ten. "N-nakalimutan rin ba kita?" -malungkot na tanong nito kay Lake na umiiyak sa bisig ng nakatatandang kapatid.
---------
BEVERLY
"Pero babalik naman ang alaala ko diba?" -malungkot kong tanong kay Ten. Nakaupo siya sa upuan na nasa tabi ng kama ko at inaayos ang dextrose ko. Hindi ko alam kung bakit kinabitan na nila ako nito. Siguro kasi ang fab ko.
"Sabi ng doktor, hindi naman daw permanente ang amnesia mo. May posibilidad naman daw na bumalik ang mga alaala mo." -sagot niya kaya kahit papano ay gumaan ang kalooban ko.
I feel sorry for those people na nakalimutan ko. Naiinis ako kasi kinalimutan ko sila. Feeling ko tuloy kasuklam-suklam na ako ngayon kasi hindi ko na sila maalala. Looking at their faces earlier, parang ang sama-sama ko na tuloy kasi napaiyak ko sila...kasi kinalimutan ko sila. Oh my gosh, bakit pa kasi ako nagkasakit? Sayang ang fabness ko my god!
"Nga pala, nakakaalala na daw pala ang kuya mo." -sabi niya na nagbabalat naman ngayon ng apple.
"Talaga?! Ibig sabihin naaalala na niya ang past niya?! Naaalala na niya kung gaano ako ka-fab?!" -excited kong tanong kaya napatigil siya. Thank you lord! Nakakaalala na si kuya!
"Fab? Akala ko ba osum ka?" -tanong niya kaya nagtaka naman ako.
"Anong awesome? Hello?! Fab kaya ako since birth." -sabi ko. Anong awesome sinasabi niya. Wait, awesome naman talaga ako ah. Kaya lang mas nangingibabaw fabness ko. My gosh, paano na 'to? "Pero ayos naman na yung awesome kaya pwede narin." -sabi ko at napabungisngis. Astig, fab na nga ako awesome pa!
"Anong spelling ng osum mo?" -napataas ako ng kilay sa tanong niya.
"Bakit di mo alam? Syempre A-W-E-S-O-M-E! Gosh, i-enroll kaya kita sa elementary?" -sabi ko at saka siya tinarayan.
Hindi na siya umimik pagkatapos at nagpatuloy nalang sa pagbabalat ng prutas.
"Bakit?" -tanong ko kaya napatigil siya. Tumingin siya sakin na parang nagtataka kaya ngumiti nalang ako ng pilit. "May nakalimutan na naman ba agad ako?"
Nawala ang kunot sa noo niya. Tinitigan ko lang siya, naghihintay sa sagot niya.
"Hindi." -sabi niya at nagpatuloy sa pagbabalat. "Hindi ka nakalimot." -nakita ko siyang ngumiti kaya napanatag ang loob ko kahit papano. Akala ko nakalimot na naman agad ako.
***
A/N: MASAKIT SA LOOB KO 'TONG CHAPTER NA 'TO KASI AKO LANG NAMAN ANG NAG-IISANG FAB DITO EH OMG I CRI DEJUKS😂😂
Nugu-yah means Who are you?
.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
RandomIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********