Third Person"Mommy! Pwede ba akong maglaro sa labas? I want to play with other kids!" -masiglang sambit ng batang si L sa kanyang ina habang nakaturo ang kamay sa pinto.
"No, sweetie. Dangerous sa labas. Hindi ka pwedeng umalis dito sa bahay. At saka, tingnan mo oh, masyadong mainit. Pagpapawisan ka. Do you want to get sick?" -sabi ng ina nito kaya malungkot na napailing ang bata.
"Good boy. Now, go back to your room and play with your toys. Mas safe ka dun." -sabi nito at ginulo ang buhok ng anak.
"But I want to play with other kids. I'm all alone in my room. Wala akong kalaro. I wouldn't be happy." -malungkot nitong sambit sa ina habang nagtutubig ang mga mata.
Napabuntong-hininga nalang ang ginang at kinarga ang nag-iisang anak. "Darling, don't be sad. Mommy's going to be sad kapag nakita kitang malungkot. And I will cry if you cry."
Dali-daling ngumiti si L at saka pinunasan ang nagtutubig na mga mata."I'm not sad!" -masigla nitong sabi sa ina.
"That's my baby boy." -hinagkan nito ang anak sa pisngi at yinakap ng mahigpit.
"But mom, I want to have a playmate. Pwede po bang ikaw na muna?" -tanong nito sa ina na hindi naman tumanggi.
"Sure. Anything for my baby."
--------------
"Lincoln, what is this?" -ngiti-ngiting tanong ng ama ni L sa kanya habang karga-karga ang natutulog na sanggol sa kanyang mga bisig.
"A baby!" -masayang sagot ni L na agad linapitan ang ama. "Daddy! Sino siya?" -excited nitong tanong na parang may inaasahan na sagot.
"She's your baby sister, Lincoln." -sagot ng nakangiti nitong ina.
Dahil sa tuwa ay nagtatalon-talon si L. "Yehey! I have a sister na! I have a playmate!" -masaya nitong sabi at agad na yinakap ang sanggol na natutulog parin.
"Teka anak, huwag masyadong malapit. Baka masaktan si baby." -saway ng ama nito kaya dali-dali siyang lumayo.
"What's her name po?" -tanong nito sa mga magulang.
"Hmm...ano bang gusto mong pangalan niya?" -tanong ulit sa kanya ng daddy niya.
"Hmm...I have many names in my head right now po. How about Crayons? James? Uh...King? Pencil? Leafy?" -suhestyon nito na nakahawak pa sa baba. Natawa naman ang mga magulang niya sa mga sinambit niyang pangalan.
"Anak, babae ang kapatid mo." -natatawang sambit ng ina niya.
"Ahh! Alam ko na po! How about we give her an anime name! Like Sakura, Hitana, Naruto, Sasuke, Majinbu, Gaara, Erza, Eren, Asuka, Natsu? What do you think?" -hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan si L habang nagiisip ng pangalan.
"Anak, balang araw hihingi ng hustisya ang kapatid mo dahil sa mga pangalan na yan. And again, babae ang baby na 'to." -paalala ng ama niya.
"How about yung pangalan nalang ng hospital kung saan siya isinilang?" -suhestyon ng ina niya na sinang-ayunan naman ng ama niya.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
عشوائيIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********