Third Person's POV
"Kaettle! Kaettle, wake up! Gumising ka!" -tarantang sabi ni doktora Wilma kay Kaettle na natutulog sa kotse. Tulog man ay humihikbi ito dahilan para mataranta ang doktor na tumingin sa kanya sa ilang buwan.
Napabalikwas naman si Kaettle nang tuluyang magising. Hinabol nito ang hininga at pinunasan ang sariling luha kahit na naguguluhan.
"I...I dreamt of something...unusual..." -hinihingal nitong sabi sa ginang. Pinunasan nito ang pawis ni Kaettle habang nakikinig sa sinasabi nito.
-----
"It's getting hard. Makakaya niya pa kaya? Makakaya pa kaya natin?" -tanong ni L na nasa labas ng kwarto ni Beverly na kasalukuyang kinakausap ng doktor.
"Damn, dude. We're all positive here diba? Anyare na? Nakalimutan niya lang si Ten nag-iba na ihip ng hangin?" -sagot ni Peet na nakahiga na naman sa sahig ng ospital.
"We were trying to be positive eversince, Peet. Mas mahirap na nga lang maging positive ngayon." -sagot ni Kori na wala ng kabuhay-buhay.
"I can't take this anymore!" -bigla na lamang humagulhol si Autumn. "Hindi ba sobra na 'to?! Sobra na yung paghihirap niya! She doesn't even deserve any pain! Hindi na ba matatapos 'to?! Pagod narin ako!"
Napatingala nalang si Ten na hindi na napigilan pa ang luhang bumuhos na sa pisngi niya. Hindi niya parin mapaniwalaan ang katotohanang tuluyan na silang kinalimutan ni Beverly—tuluyan na siyang nabura sa alaala nito.
Napahawak siya ng mahigpit sa notebook na dala niya. Mas lalo siyang naiyak nang mabasa niya ang laman nito. Ang bucketlist ni Beverly. Ang napag-usapan nilang tatapusin at dadagdagan nila na malinaw na malinaw na ngayong hindi na nila magagawa pa.
"Kaettle..." -napatingin ang lahat kay Eva nang bigkasin nito ang pangalan ng kaibigan. Nagtungo ang mga tingin nila sa tinitingnan nito—si Kaettle.
Binalot ng katahimikan at kaba ang lahat nang makita ang unti-unting pagkawala ng masiglang ngiti sa mga labi ni Kaettle habang naglalakad papalapit sa kanila. Tuluyang nabago ang ekspresyon nito nang makalapit ng tuluyan at makita ang bagsak na reaksyon sa mga mukha ng mga kaibigang nawalay.
"Anong nangyari sa inyo? Where's Bev? Bakit naka-confine pa siya? I thought she's getting better na?" -takang tanong nito habang tinitingnan isa-isa ang mga kaibigan. "Autumn? Lake?"
"Nice to see you again, ate Kaettle." -nakangiti man si Lake ay bakas sa walang buhay nitong boses at namumugtong mga mata ang lungkot na nadarama.
"What happened, guys?" -muling tanong ni Kaettle kaya nagkatinginan na lamang ang magkakaibigan. Napahilanos na lamang ng mukha si Ten dahil sa pinagdaraanan.
Biglang bumukas ang pinto kaya naagaw nito ang atensyon ng lahat. Lumabas sa pinto ang doktor na sinundan ni Beverly na naiilang na tinitingnan ang mga taong nasa labas ng kwarto niya.
"Bev..." -hindi makapaniwalang sabi ni Kaettle nang makita ang malaking pinagbago ni Beverly. Bakas ang pangangayayat at pagputla ng balat nito. Makikita rin ang panghihina nito.
Bigla na lamang naluha si Beverly nang makita si Kaettle. "Ate Kaettle!" -dali-dali itong tumakbo sa nakakatanda at niyakap ito na lubhang ipinagtaka ng lahat pati ng doktor.
Nakaramdam naman ng kunting pag-asa ang mga kaibigan bila sa nasaksihan. Kahit papano ay may lumaki ang tyansang makaalalang muli si Beverly. Malungkot man ay nagngitian na lamang ang iba habang pinagmamasdan sina Kaettle at Bev na mahigpit na magkayakap.
Kumalas sa yakap si Beverly at hinawakan sa pisngi si Kaettle habang nakangiti kaya walang ibang nagawa si Kaettle kundi ang gumanti rin ng ngiti. Nagtaka na lamang siya nang biglang mawala ang ngiti sa labi ni Beverly at bigla itong bumagsak sa sahig at mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
RandomIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********