Chapter 11: Follow the List

19 4 25
                                    

A/N: This chapter will be rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ang kailangan. Lol. Be aware of cuss words:))


BEVERLY

Putangina.


Isang putanginang araw na sumikat sa putanginang mundo. Gosh. Masasanay na ata ako nito. Di bale. Nagkumpisal naman ako kanina kaya keribels.


Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si kuya na nakaupo sa sala. Luh. Ba't tahimik 'tong putanginang ito? Ay gosh:')

"Yow!" -tinapik ko ang balikat niya nang makalapit ako sa kaniya kaya napatingin siya sakin. Lalim ata ng iniisip niya ngayon?

"Tara na." -sabi niya na agad tumayo at isinabit ang bag niya sa balikat niya. I was speechless naman. Anyare sa kanya?

"Kuya, anyare sayo?" -tanong ko nang makasunod na ako sa kanya sa sasakyan.

"Wala. Sayo? Anyare sayo?" -nagtaka nama ako sa sinabi niya. He's being wierd.

"Ako? Naging osum ako." -hindi na siya kumibo pagkatapos nun hanggang sa makarating na kami sa school. Nagtataka na ako sa kinikilos niya kaya pagkababa namin ng sasakyan, tinanong ko na siya.

"Kuya may problema ba?" -seryoso kong tanong para seryosohin niya ako. Humarap siya sakin saka ngumiti.

"Problema? Yung amnesia ko ang problema. Hindi ko kayo kilala. Hindi ko matandaan kung anong klaseng tao ba ang mga nakakasalamuha ko ngayon na kilala ko na noon." -natigilan ako sa sinabi niya. "Tapos ang lakas pa ng loob kong pagsalitaan ng ganon si Kaettle. Hindi ko pa naman kayo masyadong kilala. Halos apat na buwan palang naman akong gising pero eto ako't umaastang alam ko na ang lahat. Pinagdudahan ko pa mga ugali ng mga kaibigan ko." -lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti. "Iniisipan ko pa ng kung ano-ano mga kinikilos niyo."



Hindi ako makasagot. Para akong nawalan ng salitang sasabihin nang marinig ko lahat ng sinabi niya. All this time yun pala ang iniisip niya. Pinoproblema niya parin pala ang kalagayan niya.



"Ahh," -ngumiti siya ng bahagya saka napahawak sa ulo niya. "sakit ng ulo ko."



Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga nang marinig ko ang sinabi niya. Dali-dali ko siyang nilapitan.



"Dadalhin na kita sa ospital." -sabi ko at saka hinawakan ang magkabilang balikat niya upang alalayan siya. Lumingon ako sa paligid upang makahingi ng tulong. Umalis na ang driver namin kaya yung guards nalang sana ang tatawagin ko nang pigilan ako ni kuya.



"Ano ka ba. Sakit lang ng ulo 'to noh. Oa mo naman." -sabi niya sabay wakli ng kamay kong nakahawak parin sa balikat niya.


"Kuya, hindi porket maayos na ang lagay mo babalewalain mo nalang ang mga nararamdaman mong sakit sa katawan mo. Paano kung kung may side effects pala yung mga gamot na ininom mo at umeepekto na ngayon? Mas mabuti nang sigurado tayo."-nagaalala kong sagot. Eto na naman kasi siya sa tigas ng ulo niya.



"Oo na, oo na. Sa clinic nalang ako. Oa mo naman kasi kung sa ospital agad." -sabi niya na nagawa pang tumawa. Kahit mahina lang yun nakakabwisit parin kaya.


So yun nga, nag-feeling good bunso ako at sinamahan si kuya na pumunta sa clinic. Pinainom lang siya ng nurse ng gamot at pinagpahinga.



"Pumasok ka na. Di naman ako tatakas." -sabi niya habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.



"Matulog ka na muna. Hihi." -napabungisngis nalang ako. Nagbuntong-hininga lang siya habang nakatingin parin sa ceiling ng clinic.



Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon