Chapter 27: How Can You Forget?

14 4 13
                                    

TEN


Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang sigaw niya nula sa hallway ng ospital. Hatinggabi na at wala nang naliligaw na mga tao sa parteng 'to kaya dali-dali akong nagtungo lugar na pinanggalingan ng sigaw. Akala ko sa kwarto niya ko maririnig ang sigaw niya pero ibang-iba ang tinatahak ko ngayon habang sinusundan ang bosea niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Malinaw na malinaw sa tenga ko ang sigaw niya na lagi kong naririnig.




Di nagtagal ay nakarating ako kung saan ko naririnig ang palahaw niya-sa ICU. Labis akong kinabahan nang makita ko ang tatlong letra na yun na nakadikit sa dingding kung nasaan ang kwartong pinanggagalingan ng sigaw.



Kitang-kita ko siyang nagwawala habang nakahiga sa hospital bed at may mga nakadikit na tubo sa ulo at katawan niya na nagkokonekta sa isang malaking aparato at isa pa.


Bigla siyang tumigil sa pagsigaw kaya naalarma ako. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito pero natigilan ako nang makita mula sa peripheral view ko ang isang grupo na naglalakad palayo. Nang tingnan ko ay nalaman kong sina L iyon pero nagtataka ako kung bakit pinabayaan nilang mag-isa si Bev dito. Porket ba nakapagdesisyon na sila?


Bumalik ang atensyon ko kay Beverly nang marinig ko ang paputol-putol at matinis na tunog na nag-umpisang umingay mula sa pwesto niya.




"Bev!" -agad akong lumapit sa kanya at agad rin akong nakahinga ng maluwag nang makita kong tumataas-baba pa ang dibdib niya. Napakapit ako sa kama nang feeling ko ay mao-off balance ako dahil sa kaba.



Napansin ko ang dahan-dahang pagmulat niya kaya mas lumapit ako sa kanya. "Bev, naririnig mo ba ako?" -kahit na sigurado akong buhay siya ay hindi parin mawala ang kaba sa dibdib ko. Mas lalo pang nadagdagan nang marinig kong magsalita siya.



"Sino ka?"




Napabalikwas ako ng bangon at hinabol ang aking paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog nito. Nang maalala ko ang tungkol sa panaginip ko ay agad akong napatingin sa kama niya.




"Bad dream? Don't worry. You look so bad more than that dream." -sabi niya na nagpangiti nalang sakin kahit pa alam kong inaasar niya na naman ako. Fck that dream.



Third Person's POV


"Ten, ayoko dito. Iuwi mo na ako. Sa bahay nalang ako magpapagaling please." -pakiusap ng nakahigang si Beverly kay Ten na nagbabalat ng prutas.


Napabuntong-hininga nalang si Ten at saka tumingin sa kanya. "Yung tigas ng ulo mo kelan mawawala ha? Ang kulit mo talaga. Diba sabi ng doktor kelangan ka pa nilang tingnan." -sabi nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.



"Ayoko na dito eh. Mamamatay ako dito. This white-painted wall sucks like hell."-reklamong muli ni Beverly na dahan-dahang umuupo.



" Stop complaining and eat this." -inabot ni Ten ang orange na binalatan niya na agad namang kinuha ng kausap. "Hindi ka magagamot ng mga reklamo mo."



Sinamaan lang ng tingin ni Beverly si Ten. Imbes na sumagot ay kinain nalang nito ang binigay ng binata na ngayon ay inaayos naman ang ibang gamit na nakakalat sa buong kwaarto.



Ilang minutong binalot ang silid ng katahimikan. Tanging ingay sa hallway ng ospital ang naririnig. Kapwa nilamon ng malalim na pag-iisip ang dalawa hanggang sa magsalita si Beverly.


"May namamagitan ba sa atin?" -napahinto naman sa paglalagay ng mga naiwang jacket si Ten sa isang malaking bag dahil sa tanong ni Beverly. Nakatalikod ito sa dalaga kaya hindi niya makita ang mukha nito. Dahan-dahang napalunok si Ten bago ipinagpatuloy ang ginagawa ngunit ngayon ay halata na ang pagiging hindi kumportable niya na siya ring nararamdaman ni Beverly.


Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon