Chapter 26: I'm here

10 5 5
                                    

BEVERLY

"Bitawan niyo 'ko! Tulong! Tulong! Aaaaaaahh!!" -pinilit kong kumawala sa pagkakahawak nila pero sa sobrang higpit at dami nila hindi ko magawa. Mga doktor at nurses ang iba, ang iba naman mga nakasuot pa ng uniform—highschoolers. Pero ni isang pamilyar na mukha wala akong makita sa kanila. Hindi ko sila makilala.

"Aaaaaaahh! Tulong! Tulong!!" -sigaw ako ng sigaw umaasang may makakarinig at makikialam at ilalayo ako mula dito ngunit katulad kanina ay bigo ako.

"Hija, calm down! Hindi ka namin sasaktan!"

"Beverly, please! Tama na! Kami 'to, Bev! Kami 'to!"

"Bitawan niyo 'ko! Bitawan niyo 'ko!" -sa sobrang takot at pagtataka ko hindi ko na pinansin pa ang mga pinagsasabi nila. Gusto kong makaalis dito. Kelangan kong umalis dito dahil unang-una hindi ako dapat nandito at hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Hindi ko nga alam kung pano ako napunta dito.

"Bev, please! Calm down! Tama na!" -hindi ako tumitigil sa pagwawala at pag-iyak para lang bitawan nila ako. Para lang pakawalan nila ako.

"Ten! We need you! Nasaan ka na ba?! Bilisan mo!" -napatingin ako sa lalakeng binanggit ang pangalan ni Ten. Nasa gilid ng kama ko siya habang may kausap sa cellphone.

Pinilit kong inangat ang katawan ko para mapalapit kahit papano sa kanya. "Ten! Ten please! Tulungan mo 'ko, Ten! Please get me out of here!"-pagmamakaawa ko habang humahagulhol. Nauubusan na ako ng lakas at kinakain na rin ng takot ang energy ko. "No! Ten! Ten, tulungan mo 'ko! Ten! Teka sandali! Ten!"-mas lalo akong natakot at muling nagwala nang lumabas ng kwarto ang lalakeng kumakausap kay Ten. "Ten! No! Please! Let me go! Ten! Please! Parang awa niyo na! Bitawan niyo ko!"

"Beverly, hindi ka namin sasaktan!" -tanging iling nalang ang nasagot ko. They injected something on me earlier! How can I trust them?!

"Ten!" -I screamed Ten's name hoping he'll show up and get me. But only a couple entered the room.

"Bev!" -sinubukan nilang lumapit sakin kaya mas naging malikot pa ako para huwag silang makalapit at para narin makatakas ako.

I don't understand why they know me when in fact I've never seen them yet nor make an interaction with them. They're calling for me while I call for someone else. Ten, nasan ka na?

"Beverly, anak kami 'to!" -iyak ng babaeng bagong dating. Anak?! Don't me! Ni hindi ko nga siya kilala tapos tatawagin niya akong anak?! Feeling ano siya?

"Bitawan niyo na ako! Pakiusap! Ten! Ten, tulungan mo 'ko!" -the door suddenly banged open and there enter the guy I'm waiting.

"Bev!"-lalo akong napahagulhol nang lumapit siya sa akin at inalis ang mga kamay na nakahawak sa akin. Seeing him near me—right infront of me, I feel safe and secured. Napayakap nalang ako sa kanya at patuloy na umiyak. I don't know what's happening. I'm afraid to know what's happening.

"Ten!" -ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya dahil sa sobrang takot. Laking pasasalamat ko dahil dumating siya—dahil narinig niya ang pakiusap ko. Pero andaming katanungan ang bumuo sa isipan ko. Bakit ako nandito? Bakit ako nandito sa ospital.

Napabitaw ako sa yakap niya at muling nakiusap. "Ten, please. Umalis na tayo dito. Ayoko dito, Ten. Uwi na tayo, please?"

Bumuka nang bahagya ang bibig niya kasabay ng pamimilog ng mga mata niya tanda na nagulat siya. But why?

---------

Third Person's POV

Kasabay ng pagragasa ng tubig sa loob ng cr ang pagragasa rin ng mga luha ni Beverly na nakaupo sa puting tiles at nakasandal sa nakasaradong pinto. Walang tigil sa pag-iyak ang dalaga mula nang malaman niya ang lahat tungkol kay Ten. Mula nang masagot lahat ng katanungang nabuo sa isip niya—nang malaman niya ang totoong nangyayari.

Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon