Chapter 19: I Remember, Ijje Marayo

8 4 6
                                    

--

"All you need to do is be strong. Be happy again, Kaettle. Be happy for Bev." -tuluyan nang napahagulgol si Kaettle nang marinig ang lahat ng sinabi ni Eva na nasa kabilang linya. "Yun ang gusto niya. Maging masaya ka ulit."

Umiiyak man, pilit na inaayos ni Eva ang boses niya kahit naririnig niya ang iyak ng kaibigan. Pinipilit niyang maging malakas para dito, kahit na sariwa pa sa isip niya ang lahat ng sinabi ni L kanina. Tungkol sa kapatid nito.

"I will go home." -pilit na tinatagan ni Kaettle ang boses niya. "I will go home, Eva. The old Kaettle will go home."

Napangiti nalang si Eva sa kabila ng mga luha. Nang maputol ang tawag, humarap siya sa direksyon ng natutulog na si Beverly sa hospital bed. Napakataimtim ng tulog nito na animo'y hindi nakakaranas ng problema.

"Kelangan po ba talagang i-confine pa siya?" -walang buhay na tanong ni Autumn sa doktor na tumitingin ng kalagayan ni Beverly.

"The severe headache she've experienced is not the last. Makakaranas pa siya ng sobrang pananakit ng ulo ano mang oras at maaari pa itong malala. I will get you straight, kids. Her dissociative amnesia is not usual. I mean, hindi ordinary ang dissociative amnesia niya. Ayoko mang sabihin pero base sa mga tests ko sa kanya, her illness was quite beyond normal. It's getting worst and it will continue being worst."

Hindi nakapagsalita ang mga ito sa narinig. Lahat sila nagulat sa mga nalaman. Bumaha na naman ng emosyon ang buong kwarto.

"B-bakit...paano siya...b-bakit lumalala ang sakit niya?" -halos hindi na matapos ni L ang sasabihin.

"Stress. Too much stress makes her suffer. Yun ang dahilan kung bakit bumalik na naman ang pananakit ng ulo niya. Dahil sa stress, naging sariwa ulit ang brain injury niya but this time, mas malala pa kesa nung una." -sagot ng doktor kaya bumaha na naman ng emosyon sa kwarto. Napahagulgol na lamang si Autumn habang inaalo siya ng umiiyak na si Lake.

"If it's okay, pwede ko bang malaman kung anong rason ng stress ni Beverly?"-tanong ng doktor na isa-isang tiningnan ang mga tao sa loob ng kwarto.


Napatingin naman si L sa kanyang ina na napatingin rin sa kanya. Walang emosyon ang ginang kaya hindi malaman ng mga kasama niya kung nag-aalala ba siya para sa anak na kinupkop niya.


"Ano? Sisisihin mo ako? Sasabihin mong ako may kasalanan? Dahil samin ng daddy mo kaya nastress yang batang yan? Yun ba ang gusto mong palabasin?" -walang emosyong sambit ng ginang. Naihilamos na lamang ni L ang kanyang kamay sa mukha niya. Ayaw niya man pero tama ang ginang, sinisisi niya ito sa nangyari sa tinuturing niyang kapatid.

--------

"Bev..." -tawag ni Kaettle sa kaibigan nang sabihin ni Eva na nakatapat na sa tenga ng natutulog na si Beverly ang cellphone nito. "Bev I'm sorry. I'm sorry kung wala ako dyan. Sorry sa lahat." -dahil sa labis na pag-iyak, unti-unting napapahikbi si Kaettle habang nakaupo sa sulok ng kwarto niya.

"I'm sorry kung naging sobrang mahina ako." -pilit na ngumiti si Kaettle bago ituloy ang sasabihin. "Naalala mo ba yung sinabi mo sa akin? Yung 'When the one remembers, the other forgets'. Sabi mo nabasa mo lang yun sa kung saan at hindi mo inakalang posible pala yun." -wala mang humpay sa pagbuhos ng luha niya, pinipilit niya paring ngumiti habang kinekwentuhan ang kausap.

"Nakalimutan tayo ng kuya mo. Nakalimot siya. Pero ako, hindi ko makalimutan ang bawat pagkamatay nilang lahat." -ipinikit niya nang mariin ang kanyang mata. "Ang bawat pagkawala nila...sariwang-sariwa pa sa alaala ko. Tandang-tanda ko ang bawat petsa, oras...ng pagkamatay nila. Kahit ayaw ko wala akong magawa kapag bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari. Ayoko silang kalimutan...bitawan...pero gusto kong mawala sa alaala ko ang bawat paghihirap...at pagkawala nila." -nagpatuloy sa pagkwento si Kaettle kahit pa walang humpay ang pagbuhos ng luha sa mga mata niya.


Ijje MarayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon