BEVERLY
1 week later...
Nagising na naman ako na nakakulong sa apat na sulok ng puting kwartong ito. Isang linggo na. Isang linggo na akong nagtitiis dito. Isang linggo na matapos gumulo ang buhay ko.
"Gising ka na pala, ate." -napapitlag ako sa sobrang gulat nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Busy pa ako sa pagtitig sa kisame eh.
"S-sino ka?" -gulat kong tanong sa isang hindi pamilyar na babaeng nakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko. Nakasuot siya ng purong brown na damit. Wait, bakit brown? Inlove rin ba siya sa poop emoji na nasa messenger kaya nag-brown ojtfit siya.
Nagulat ako nang bigla na lamang may tumulong luha mula sa mata niya. Hala! Naoverwhelm na ata sa osumness ko!
"Teka, miss! Bakit ka umiiyak?! Hala, sorry! May nasabi ba akong masama?!" -taranta kong tanong at dali-daling umupo at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Y-you...you forgot me." -umiiyak niyang sabi kaya natigilan ako.
Forgot her?
May nakalimutan na naman ako?
Mas lalo akong nataranta nang bigla nalang siyang mapahagulgol. "Hala! Miss, sorry na! Huwag ka nang umiyak! Sige na please! Baka isipin nila pinaiyak kita---ay wait pinaiyak naman pala talaga kita. Pero di ko naman sinasadya! Miss, sorry na!"
I forgot one person again. Base sa iyak niya ngayon mukhang malaking parte siya ng buhay ko. Baka kaibigan ko o kapatid. Bwisit. Nagiguilty na naman ako. Bakit ko pa kasi kailangang makalimot.
"Anong nangyayari dito?" -bigla nalang sumulpot si kuya.
"Kuya, I didn't mean it! Hindi ko sinasadya! Hindi ko gustong kalimutan siya!" -naiyak nalang ako sa sobrang sama ng loob ko sa sarili ko. "I'm sorry. I'm sorry kung nakalimutan kita. I'm so sorry." -sabi ko sa babaeng walang tigil parin sa pag-iyak.
---------
"Huwag ka nang mag-alala. Hindi naman galit sa'yo si Autumn." -paniniguro ni kuya habang naglilipat ng chanel.
"I'm not worried with it---well uhh, slight. But I'm more bothered about another thing." -pag-amin ko.
"Ano namang thing?" -tanong ni Kori na kumakain ng prutas. Kami lang apat dito nina kuya, Kori at Ten. Nag-siuwian muna yung iba.
I sighed. "Peet said, boyfriend ko daw siya. Is it true?" -nag-aalala kong tanong. I mean, Peet's a nice guy, he has looks too, but I still remember half of my life and I swear I'm loyal to only one guy.
Bigla silang nagtawanan kaya nagtaka ako. Nabitawan ni kuya ang remote samatalang naubo naman si Ten.
"Ano?! Si Peet?! Hahahahaha! Lul." -sabi ni Kori na biglang naging seryoso dun sa 'Lul' word.
"Nagtatanong lang eh!" -giit ko.
"Bev, kapag tungkol sa mga ganyang bagay huwag na huwag kang maniniwala sa ugok na yun. Hindi ka gagawa ng ganung bagay." -sabi ni kuya at nagtawanan ulit sila.
"So mean." -hindi ko parin napigilang hindi mapangiti. At least tumatawa sila. Tumatawa sila kahit namomroblema kami ngayon.
--------
Napatitig ako sa babaeng biglang pumasok sa kwarto ko. Iniwan akong mag-isa nina kuya kasi may gusto daw kumausap sa akin. Siguro siya na yun. In fairness, maganda siya. Though halatang may edad na siya pero nangingibabaw parin ang ganda niya.
Nagulat nalang ako nang makita kong mapula ang mga mata niya na parang galing sa iyak.
"Beverly..." -tawag niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
"P-pasensya na po pero...sino po kayo?" -tanong ko na ikinagulat niya. Halata sa namilog niyang mga mata na nagulat siya. Confirmed. "S-sorry po. M-may sakit daw po kasi ako. N-na...nakakalimot po ako ng---"
"Alam ko." -sabi niya at bigla na lamang ngumiti.
"S-sorry po. Sino po kayo?" -tanong ko ulit. Nakangiti parin siyang umupo sa upuan na inupuan ni kuya kanina.
"Ako...ako ang nanay mo."
Nagulantang ako sa sinabi niya. Awtomatikong bumuhos ang mga luha ko. Paano...paano ko nakalimutan ang sarili kong ina?
"M-mama?" -ngumiti siya sakin at siya na mismo ang yumakap sa akin.
"Mommy ang tawag mo sa akin." -pagtatama niya pero naiyak nalang ako. Hindi ko matanggap na pati sarili kong ina nakalimutan ko. Paano kung...paano kung pati si kuya...pati si Ten... paano kung pati sila makalimutan ko? Ayoko. Sobrang parusa na nga 'tong pagkalimot ko sa nanay ko. Ayokong pati sila makalimutan ko.
Hindi ko na maiwasang matakot. Habang tumatagal mas lalo akong naniniwalang balang-araw makakalimutan ko ang lahat. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa naaalala sina Peet. Sabi nila temporary lang daw 'tong amnesia ko. Gaano ba katagal ang sinasabi nilang temporary?
"I'm sorry po. Sorry kung nakalimutan ko kayo. Sorry, mommy." -napahagulgol nalang ako habang nakayakap sa kaniya.
"Sssh. Don't be sorry towards me. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo." -sabi niya na ipinagtaka ko.
"Ano pong ibig mong sabihin?" -humiwalay siya sa akin at pinunasan ang pisngi ko.
"You'll remember me, right?" -tanong niya. "You will remember mommy, right?"
Napayuko nalang ako. Walang kasiguraduhan ang buhay kaya mas lalaong walang kasiguraduhan kung makakaalala pa ba ako. Ayokong sabihing oo dahil hindi ko alam kung mangyayari ba.
"I know you will." -sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sakin pero lumuluha parin ang mata niya. "I believe in you."
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunsan kagaya ng ginawa niya sa akin kanina. Naniniwala siya sa akin. I should not disappoint her. Pero hindi talaga ako sigurado.
"I'm not sure but I will try." -nginitian ko siya. "I will remember you, mommy."
****
A/N: Sabi ko ipupublish ko 'to with prologue na pero hindi pa ako makadagdag kasi beezy is me ngayon at ayoko namang mawala drafts ko dito kasi that's hell dude, you probably know that, so yeah, here it is.
Ps. I know it's lame so palunok nalang.
.
BINABASA MO ANG
Ijje Marayo
RandomIf we could just stop the time and be stuck in this moment with you forever, that we will never forget anything anymore. "...that no matter what happens, I'm always here for you. You can always call for me. I will always come to you." -Ten *********