Red Ivy Chua
Nagising na lang ako sa malakas na ingay sa baba. Sino ba 'tong nagpapatugtog? may pagkametal pa naman yung kanta kaya't napatayo talaga agad ako. Pagbaba na pagbaba ko, si kuya Alex na agad ang bumungad sa 'akin. Siya rin pala yung nagpapatugtog ng sobrang lakas.
"Kuya! Anong meron. 8 lang oh nambubulabog ka na!" Napakamot ulo naman ako habang bumababa. Nakakastress talaga ang mga kapatid, lalo na kapag lalake.
"Oh, sorry your highness nagising ba kita?" Sabay tawa niya ng nakakaloko.
"You see, Im in the mood na gumising ng maaga so kailangan ko ng kasama. Sorry to wake you up, sweetie." Niyakap ko naman si kuya. Oo, ganto talaga sila manglambing, iinisin ka muna nang sagad bago ka lambingin.
"Breakfast? Tara na Red kanina pa ako nagluto, hintayin mo ko dun sa dining room tatawagin ko lang tong si Raymond. Tulog mantika na naman, di man lang nagising sa ingay ko." Napakamot na lang ng ulo si kuya Alex. Natawa naman ako sa naging reaksyon ni kuya Alex.
Minsan talaga may sapak mga kuya ko eh.
Nang makaalis si kuya Alex, ako naman parang baliw na nakatulala. May after shock pa ganun. Para tuloy akong na traumang bata, kung hindi ko lang talaga kuya yun, tadtad ng hampas sakin yun.
Pagkababa nila, agad na silang dumeretso sa akin, mukhang natagalan si kuya Alex na gisingin si kuya Raymond ah.
"Oh, kuya Raymond, ba't parang puyat na puyat ka na naman ha? San ka na naman ba galing kagabi?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Edi syempre may gig kami kagabi. What's the big deal?" Sambit naman ni kuya Raymond sakin parang inaasar pa ako, mokong talaga to.
"Ah akala ko nambabae ka na naman." Tinignan ko siya ng nakakaloko.
"Hindi no. Di ko magagawa yun no, sadyang chick magnet lang talaga tong kuya mo." Palihim na natawa si kuya Alex.
"Oo na lang." Kumuha na ako ng mga kakainin ko.
Tahimik kaming kumakain ng biglang nagsalita si kuya Alex.
"Red, kailangan na pala nating pumunta sa Manila kasi sabi nila Mama at Papa dun ka daw mag-aaral, bale mag stay tayo dun sa may rest house natin sa Forbes."
Napatigil ako sa pag-nguya. Parang may bumara sa lalamunan ko. Nabingi ata ako.
"Kuya, paki ulit nga po." Natawa naman si kuya Raymond, habang si kuya Alex ay seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"Nabingi na ang only princess natin... Pano 'yan, Alex. Patay tayo sa mahal na reyna at mahal na hari." May kasama pang hand gesture 'tong si kuya Raymond.
"OA mo talaga, Ray." Sabay iling ni kuya Alex. Binaling naman sakin ni kuya ang tingin niya.
"Red, lilipat na tayo. Kasi gagawin na 'tong resort."
Bakit naman ata biglaan? mahihirapan na naman ako mag- adjust.
"Okay sakin 'yan. New environment, new girls!" Sabay ngisi ni kuya Raymond at nagpatuloy ulit sa pagkain niya. Tinignan lang namin ng nakakalokong tingin si kuya Raymond.
"So, is that okay with you, princess?" Matagal ako bago nakasagot.
"Yes, kuya. Kakayanin." Then, I gave them my reassuring smile.
Although, I know in myself that it's going to be hard. I have no choice but to follow our parents. Ganun talaga, ang life eh.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Teen FictionMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...