Chapter 26

396 10 1
                                    

Red Ivy Chua

"Sky, okay na ba yung mga chairs and tables?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin.

"Oo, mauuna na daw sila kuya, para maayos na yun dun." Tumango at ngumiti naman ako kay Sky.

"Kylie, ready ka na sa ipeperform niyo?" Paninigurado ni Sky.

Nakita ko namang tinignan ng masama ni Kylie si Sky. Natawa naman ako.

"No, Im not yet ready. Kanina pa ako kinakabahan. Bakit pa kasi sakin na assign tong perform perform na 'to." Tapos naglakad ng naglakad si Kylie. Nagkatinginan kami ni Sky. Pigil na pigil naman yung tawa naming dalawa.

Pumasok naman na si Ms. Alonzo sa classroom.

"Class, sige na. Pumunta na kayo sa baba. Naghihintay na ang service niyo." Masayang saad ni Ms. Alonzo.

Na- excite naman ako bigla and at the same time bigla akong kinabahan na nalungkot. Naisip ko na naman kasi na meron na lang akong 3 araw kasama si Jarred.

"Red, tara na." Tawag sa akin ni Tanya. "Nakatulala ka pa diyan." Natawa naman si Tanya.

"Oo, eto na." Dinala ko naman na ang mga coloring books at bumaba na.

Pagkababa ko merong tatlong van ang naka park. Bumukas naman ang isang van.

"Bakla, dito tayo." Tawag sakin ni Leah, kaya naman pumasok na ako doon. Nakita ko namang kaming mag ttropa ang nandito sa van. Tumabi naman na ako sa tabi ni Jarred.

"Ang tagal mo, namiss kita." Bulong sakin ni Jarred. Napangiti naman ako.

"Inasikaso ko lang po itong mga coloring books." Kinurot ko naman ng marahan ang kanyang pisngi.

"Sabi naman kasi sa'yo, tulungan na kita eh." Kumunot naman ang noo ni Jarred. Natawa naman ako sa kanya, napaka bilis talaga magbago ng mood ng lalakeng 'to.

"Wag ka na mag muryot diyan. Sandaling oras lang naman tayo nagkahiwalay eh." Paglalambing ko kay Jarred. Nakikita ko naman ng napapangiti na siya.

"Tama na ang PDA." Tinusok naman ni Sky ang tagiliran ko. Natawa naman kaming dalawa ni Jarred.

"Kylie, bakit na naman ba ganyan hitsura mo?" Nakita ko namang tinignan ni Kylie si Leah tapos inirapan, mainit ulo. Inakbayan siya ni Kyle.

"Hey, ano problema?" Hindi pa din umiimik si Kylie. Tinitignan lang siya ni Kyle, sabay hinalikan siya sa noo ni Kyle. Nakita kong medyo ngumiti na si Kylie pero bumalik na naman yung pagka kunot ng noo niya.

"Bawal  sabi PDA dito, diba Sky?" React naman ni Leah. Bukod naman kay Kylie, natawa naman kaming lahat.

"Baka naman naiinggit ka lang." Nakangising saad ni Russelle kay Leah.

"Ah naiinggit ako?" Nakangising ring saad ni Leah kay Russelle.

"Oo." Mas lalo namng ngumisi si Russelle.

"Eh kung wag nating ituloy yung date natin sa sabado." Ngumiti naman ng nakakaloko si Leah. Nagtawanan naman kami habang si Russelle biglang kinabahan.

"Joke lang, di ka mabiro." Kabadong saad ni Russelle. Tawa naman ng tawa si Leah. Ganun din naman kami. Eto talaga 'tong dalawang 'to.

"Guys alam ko na bakit nag mumuryot si Kylie." Saad ni Sky. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko kay Sky.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon