Red Ivy Chua
Monday na. Kailangan ko nang pumunta sa school para makapag paalam na sa school directress namin na aalis na ako this Wednesday. Sasabihin ko na rin sa mga kaibigan ko, dapat kong sabihin kahit alam kong magagalit sila sakin.
Kasama ko si Mama at kuya Alex, hanggang ngayon ilang pa rin kami sa isa't isa. Galit pa rin sakin si Kuya Alex, nakakamiss na yung kulitan naming dalawa. Siya na ang nag drive samin ni Mama papunta sa school.
"Red, ayos na ba ang mga gamit mo?" Mahinahong na tanong sakin ni mama.
"Opo, ma. Kahapon ko lahat inayos." Tumango naman si mama. Nag ring naman ang phone ni mama. Business discussion na naman 'yan. Kaya naman tumingin na lang ako sa may bintana at sumandal.
Ano kayang magiging buhay ko sa America? Kapag nandun ba ako makakalimutan ko na lahat? Makakalimutan ko na siya? Ang daming tanong na pumapasok saking isip.
Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.
Maya maya nakarating na rin kami sa Lee University. Dumeretso na si mama sa office ng directress namin. Si kuya naman umalis na, babalikan niya na lang daw ulit kami.
Napagisipan ko namang umakyat muna sa rooftop upang makapag isip isip. Kailangan kong lakasan ang loob ko sa pagsabi sakanila.
Naupo ako sa may bench at sumandal. Habang nag mumuni muni, bigla akong nakarinig na para bang may humihikbi sa may bandang likod doon. Kaya naman tumayo ako para tignan kung sino iyon. Nang makalapit na ako nakita ko ang isang lalakeng nakasandal ang ulo sa pader at sinusuntok suntok niya yung pader.
Si Jarred.
Napatakip naman ako ng bibig sa takot na baka marinig niya na nandito ako. Kaya naman ang ginawa ko, humakbang na ako palayo. Ngunit sa kamalasan, may naatrasan akong paso dahilan ng paglingon sakin ni Jarred.
Nakita ko sa mata niya ang takot. Kitang kita rin sa mata niya na umiiyak siya.
Walang anu ano'y lumapit siya sakin at bigla na lang niya akong kinulong sa mga bisig niya.
How I missed your touch, Jarred.
"Red. Please, stay. Stay with me." Umiiyak na saad ni Jarred. Nanlalambot ako na nanghihina sa naririnig ko. Pero hindi na talaga ako pwede umatras sa napagusapan namin ng mama ni Jarred.
"I'll do anything. Ikaw na nga lang nagpapasaya sakin." Saad ni Jarred. Tinulak ko naman siya sa lahat ng makakaya ko.
"Look, Jarred. We are done. Tapos na. Hindi na tayo magkakabalikan, so accept the fact na wala ng Red sa buhay mo." Nanginginig ang mga labi ko pagkatapos kong sabihin yun. Bakas naman sa mukha ni Jarred ang sakit at pagkagulat.
"How can you do that?" Ngumiti si Jarred ngunit may luhang pumatak sa mga mata niya. "How can you easily say that? Pano mo naalis lahat ng pagmamahal mo sakin?" Naluluha na naman si Jarred.
I'm sorry, Jarred. I know you are going to hate me forever.
"Can't you see. Hindi kita talaga minahal. Ewan ko din bakit kita sinagot, siguro na pressure lang ako at ayoko kitang mapahiya sa harap ng mga kaibigan mo at kaibigan ko." May pumatak naman ng luha sa mata ko pero agad ko rin itong pinunasan.
Kitang kita sa mukha ni Jarred ang pagkagulat at pagkadismaya.
Nang marinig ko na ang bell agad naman na akong lumabas ng roof top.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Novela JuvenilMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...