Chapter 44

383 5 0
                                    

Jarred Calvin Garcia POV

2 years ago...

"Kylie, I am not going anywhere kung hindi mo sasabihin sa akin ang address ni Red sa America."

"I'm sorry, Jarred. Hindi na rin namin siya ma contact ngayon ever since na nag delete na siya ng mga social media niya."

"Alam kong tinatago mo lang. Please, Kylie!"

"I'm sorry, Jarred." At tuluyan na ngang pumasok si Kylie sa bahay nila.

"Kylie!" Sigaw ko sa may gate nila.

"Sir, umuwi na po kayo."

"Manang, kailangan ko lang talaga makausap si Kylie." Sobrang desperado ko na talaga.

"Wag naman po kayo gumawa ng eskandalo dito, kapag hindi pa po kayo tumigil diyan... tatawag na ako ng mga gwardya." At tuluyan na ngang umalis yung kasambahay.

Napaupo ako sa kalsada. Ano ng gagawin ko?

I am hopeless, but I don't want to lose hope. Gagawin ko ang lahat maibalik lang sa akin si Red.

Dumeretso na ako sa bahay, at naabutan kong nandoon sa may living room si Hailey. Nagbabasa ng libro.

"Jarred. Bakit ngayon ka lang?" Nagaalalang tanong ni Hailey.

"Pinuntahan ko si Kylie. Alam ko naman siya lang ang makakatulong sakin sa paghanap kay Red."

"Eh diba nahanap mo naman na si Red?" Tumabi ako sa kanya, isinandal ko ang ulo ko sa may dingding.

"Oo. Nahanap ko na siya. Pero, humigpit ang mga guards niya at halos hindi na ako makalapit sa kanya dahil sa sikat na nga siya."

"Try mong i-contact, diba?"

"Pano? Eh kahit facebook wala siya. Ganun na ba niya ako iniiwasan?" Tinignan ko naman si Hailey. Hindi siya makatingin ng deretso sakin.

"Jarred, may kailangan kang malaman." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Nahihirapan na akong nakikita kang nagkakaganyan. Nagguilty na rin ako. I promised her not to tell this to you, but for the sake of your happinness." Kumunot ang noo ko. Huminga naman siya ng malalim at isinara ang librong binabasa niya.

"Jarred. Alam mo ba ang dahilan kung bakit na lang biglaang nakipaghiwalay sayo si Red, kahit mahal na mahal ka niya? Bakit siya biglaang umalis?" Lalong kumunot ang noo ko. Ayoko ng mga paligoy ligoy.

"Say it, Hailey."

"Lahat ng 'yon ay dahil  kay Tita Alice." Napapikit naman ako sa narinig ko.

Sarili ko pang nanay ang gagawa sakin nito.

"Isa rin ako sa ginamit niya mapaghiwalay lang kayo ni Red. Ang pinakamalala pa... Kinausap niya si Red, na kailangang hiwalayan ka na niya, dahil sa ang kompanya nila Red ang nagpapabagsak sa kompanya niyo. Pero lahat ng 'yon ay kasinungalingan."

Gustong gusto ko na sugurin si mama sa kwarto niya ngayon kahit kakarating niya palang galing Japan.

"Pero tinulungan niyo ang kompanya namin diba?" Gulong gulo na ako.

"It's a lie either. Hindi babagsak ang kompanya niyo, sa galing ng papa mo." Kinuyom ko naman ang aking palad sa sobrang galit.

She drove Red away.

Kinaumagahan. Kaagad ko namang kinausap si mama. Halos manginig siya nung nalaman ko na siya lahat ng may pakana.

"Ma, ano bang nagawa ko sayo?! Say it!" Naluluha kong tanong sa kanya.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon