Special Chapter

726 12 1
                                    

Red Ivy Chua

"Waaaaah! Mommy!!!!"

Napabangon ako sa malakas na pag iyak. Tinignan ko ang katabi ko, pero wala siya. Agad naman akong nagpunta sa kwarto ni Ravin. Pagkabukas ko ng pinto ngunit wala siya doon. Natataranta ako nasaan ba ang mag ama ko? Bumaba naman ako. Tinignan ko ang salas. Wala sila doon. Nagpunta naman ako sa kitchen. At ayun nandun ang dalawa.

"Baby, why are you crying?" agad ko namang nilapitan si Ravin at niyakap. Nakaupo lang siya sa isang stool.

"Dada!! Dada!" sabay tinuturo niya si Jarred. Humarap naman samin si Jarred na naka apron pa.

"Tsk. Ravin, nagising tuloy ang mommy mo." Lumapit naman samin si Jarred, hinalikan niya ako sa noo.

"Goodmorning, honey" nawala naman na ang kaba ko.

"Ano bang ginagawa niyo ni Ravin dito?"

"Gagawa kami ng breakfast for you. Eh ayan nakita niyang susuotin ko tong apron na color pink at floral, ayan umiyak na."

Napangiti naman ako. Ayaw talaga ni Ravin na nagsusuot ng apron ang daddy niya, ewan ko ba kung anong reason ng batang 'to.

"Ravin, baby. It's just an apron, I just need to wear it. So I can cook properly." Tinignan ko naman ang reaksyon ni Ravin, naka pout siya sabay sumisinghot.

Ang cute talaga nitong batang 'to. Kahit 3 years old pa lang, eh parang matanda na kung maka-asta.

"Really, Dada?" Tanong niya sa daddy niya.

"Yes." Hinalikan naman ni Jarred sa noo si Ravin saka ginulo ang buhok nito.

4 years na ang nakakalipas... Pero may something parin kay Jarred na napapangiti at napapakilig ako. Hindi nawala yung sweetness namin... Hindi rin kami nagkakasawaan. Give and take kami sa relasyon namin,  masasabi kong mas tumatag yung samahan namin.

Napangiti na lang ako.

Iniakyat ko naman si Ravin. Inaantok pa kasi siya.

"Mommy. Where's Dada?" I smiled at him. Humiga naman na siya.

"He's just downstairs. Sleep ka na." He touched my lips. Saka tumagilid at natulog na.

Bumaba naman ako, at dumeretso sa kitchen.

"Coffee for my queen?" Nakangiting tanong sa akin

"Yes, please." Umupo naman ako sa isang chair.

"Nasira tuloy yung plano namin ni Ravin." Saad ni Jarred at umupo sa tapat ko.

"Ay nako." Umiling na lang ako. I took a sip from my coffee. Hmm, ang sarap. Eto yung kape na gustong gusto kong ginagawa ni Jarred.

"Actually, siya nagplano nun eh" natawa rin naman si Jarred. "Makulit talaga no. mana sayo"

"Haha. Pag makulit ako talaga agad" natawa naman kami pareho.

"By the way hun. I was talking to Kylie last night, pupunta raw sila dito mamaya. Ikaw nga mag contact kay Kyle at hindi daw macontact ni Kylie dahil kinakabahan siya."

Umiling naman si Jarred sabay ngumiti. "Okay, I'll do it"

Pagkatapos namin mag breakfast eh nagpahanda na kami ng kakainin ng buong barkada, matagal tagal na din nung huli kaming nagkasama ng buo. Pinuntahan ko si Ravin. Dahan dahan kong pinihit ang door knob saka sumilip. Nakita kong nagbabasa siya ng book. Peter pan book.

"Ravin. Tara ligo ka na. Dadarating na mga ninang ang ninong mo?"

"Ninang Leah, Ninang Sky, Ninang Kylie?" binitawan naman niya ang libro saka lumundag ng kama at lumapit sakin. Kinarga ko naman siya.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon