Chapter 29

364 9 1
                                    

Red Ivy Chua

Dahil sa nangyare kahapon, naisipan ko na lang na umabsent. Nagpadala na rin naman ako ng excuse letter.

Habang nakahiga ako sa kama, kinakalilot ang cellphone ko. Bigla na namang may pumatak na luha. Naaawa ako kay Jarred na para bang gusto ko ng kalimutan ang napag usapan namin ng mama niya. Kanina pa siya tawag ng tawag at text ng text sakin.

Laking gulat ko naman na may kumatok sa pintuan ko. Agad ko naman pinunasan ang luhang pumapatak sa aking mata.

"Red, sweetie." Mahinahong tawag ni mama. Binuksan naman niya ang aking pintuan.

"Ma. Kakarating niyo lang po?" Napaupo naman ako at sumandal sa may headboard. Naupo naman si mama sa kama ko.

"Yes. Dumeretso ako agad dito sa kwarto mo kasi may good news ako sayo." Malaki ang mga ngiti ni mama. Sa panahon ngayon, parang kailangang kailangan ko talaga ng good news.

"We are moving to America." Masayang saad nito sakin. Ewan ko pero bigla na lang akong natulala. Good news ba talaga 'to? Siguro nga kailangan kong umalis para tuluyan ko na ring malayuan at makalimutan si Jarred.

"Kailan tayo aalis ma?" Hinaplos naman ni mama ang kamay ko.

"After 3 weeks, we are good to go. Tutal naasikaso naman na ng mga kapatid mo ang passport mo." Nagtaka naman ako.

"Ha?" Inayos naman ni mama ang magulong buhok at inipit sa aking tainga.

"Hindi na pinasabi sa'yo. Dahil sabi ng kuya Ray mo baka mag panic ka daw. Pero mukhang di ka naman nag panic." Niyakap naman ako bigla ni Mama.

"We're going to have a new life there." Hinaplos naman niya ang buhok ko.

Makalipas ang 3 araw pero hindi parin ako pumapasok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Makalipas ang 3 araw pero hindi parin ako pumapasok. Binilin na rin naman sakin yun nila kuya Raymond. Tutal aalis na rin daw naman na ako.

Bumaba ako at nakita kong nag bbreakfast si kuya Raymond. Kaya naman sinabayan ko na siya.

"Aalis na pala tayo eh." Saad ko habang naglalagay ng fried rice sa plato ko.

"Nasabi na pala sayo." Tumaas baba naman ang kilay ni kuya Raymond.

"Yep. I can't wait." Sarcastic ko namang saad sa kanya.

"Paano kayo ni.... alam mo na." Mahina pa niyang saad.

"Hay nako kuya talaga." Pinakita ko na lang na natawa ako para hindi na mangulit si kuya. Hangga't kayang iwasan, iiwasan ko lahat ng pwedeng mag papaalala sakin kay Jarred.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon