Jarred Calvin Garcia
Nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko dito si Red sa gym. Manunuod ba siya? Kaya naman agad akong lumapit sa kanya.
Pero bakit ganun? Para siyang kinakabahan na ano. May nangyare ba sakanya?
Nang magsimula na ang training. Mas lalo akong na motivate. Hindi ko rin alam kung bakit.
Nang mapatingin ako kay Red, nakita kong para bang hindi siya mapakali. Laking gulat ko nang bigla siyang tumayo at umalis ng gym. Pero bakit?
Kahit kakasimula simula palang ng training. Nagtawag agad ako ng water break.
Nakita kong nagmamadali ding lumabas si Oliver ng gym. Nilapitan ko naman ang mga kaibigan ni Red.
"Saan nag punta si Red?" Tanong ko sakanila.
"Nag punta lang ng restroom." Sambit ni Leah.
"Bakit, Jarred?" Tanong naman sakin nung pinsan ni Red.
Di ko na sila sinagot at agad ng tumakbo palabas. Paniguradong sinundan ni Oliver si Red. Malakas ang kutob ko.
Si Oliver ang kalaban ko sa lahat. Siya dapat ang Captain Ball ngayon kaso lang, masyado siyang irresponsible, kaya ako ang napili. Nung ako na yung napili sobrang galit niya sakin. Alam ko rin na iba ang trato niyan sa mga babae. Alam ko kung pano niya paikutin sa mga kamay niya ang mga babae. Mapaglaro siya pagdating sa mga babae, para sa kanya walang halaga ang mga babae, dahil yung nanay niya sumama sa iba at iniwan sila ng tatay niya, dahil dun naging mas matatag yung tatay niya kaya umasenso sila. Sila ang kalaban namin sa lahat ng mga negosyo namin.
Bakit parang ang bilis ng kabog ng puso ko.
Nagmadali na ako sa pagtakbo. Malapit na ako sa restroom ng marinig ko ang tinig ni Oliver.
"Red." Malumanay kong tawag. Pero nang marinig kong di siya sumasagot. Kinabahan ako.
"Red!" Malakas kong tawag. Nang makarating na ako. Nakita kong sobrang lapit na ni Oliver kay Red.
Napatingin naman sakin si Oliver saka ngumiti nang nakakaloko.
Kinuyom ko ang palad ko sa sobrang inis. Naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan kong makalapit ang isang tulad ni Oliver kay Red.
Nang makaalis na si Oliver, lumapit sakin si Red.
"Jarred, are you okay? Anong meron? Bakit parang galit ka?" Malumanay niyang tanong sakin.
Wala na akong sinabi. Hinila ko na lang siya, at niyakap siya ng mahigpit.
Somehow, I really wanted to protect Red. Hindi ko mapapatawad lahat ng mananakit sa kanya. Kung kinakailangan kong paalisin si Oliver sa university na 'to. Gagawin ko yun. Wag lang siyang malapitan ng mokong na yun. Walang pwedeng manakit kay Red habang nandito ako.
Kumawala ako sa yakap ko sakanya at hinawakan ang kanyang balikat. Halata sa mukha niya ang pagkabigla.
"Red. Kung aalis ka man, magpasama ka sakin. Kahit may training man kami or wala, may ginagawa man ako or wala.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Teen FictionMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...