Chapter 17 part 2

357 11 0
                                    

Red Ivy Chua

Pagkatapos ng ilang oras na pag gala sa Shanghai. Bumalik naman na kami sa airport para bumyahe na papuntang France. Walong oras na naman na byahe. Mabuti na lang talaga at nagbaon ako ng salonpas.

Umupo naman na kami sa dati naming mga pwesto.  Paniguradong gabi na kami makakapunta sa France, kaya deretso tulog na kami nito.

"Red, matutulog lang ako saglit ha? Napagod ata ako. Ikaw, kung pagod ka, magpahinga ka na rin muna." Sambit ni Jarred.

"Sige na, Jarred. Magpahinga ka na. Mag mumusic na lang muna ako." Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinigpitan ang hawak dito. Sumandal naman sakin si Jarred at doon natulog.

Habang nililibang ko ang sarili ko. Sumilip sakin si Sky at iniabot ang cellphone niya sakin. Nakita kong may message na nakasulat.

To: Unknown
Red, nakita namin si Clarisse. Na napayakap siya kay Jarred dahil umaarteng natumba siya.

Parang bigla naman kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Sky. Pero bakit hindi sakin sinabi ni Jarred? Nagtatago ba siya sakin. Agad agad din naman akong nagtype sa phone ni Sky.

To: Unknown
Bakit hindi ko alam 'yan?

Maya maya naman iniabot na ulit sakin ni Sky yung cellphone niya.

To: Unknown
Yun  time na nagpasama si Kylie para magtingintingin nung mga exotic foods sa Shanghai.

Oo, natatandaan ko na. Yun yung time na hindi ko na pinasama sakin si Jarred, para makapagkwentuhan naman kami ni Kylie. Nanlilisik naman ang mga tingin ko kay Clarisse. Kasalukuyang natutulog siya ngayon. Kung ako lang talaga may topak, kanina ko pa hinulog 'yan dito sa eroplano. Lahat ng ginagawa niya... She's doing it in purpose. Nagtype naman na ako.

To: Unknown
Anong reaction ni Jarred? At tsaka bakit hindi niya sinabi sakin?

Kinalabit ko naman si Sky, para iabot sa kanya yung phone. Hindi pa din ako makapaniwala. Masakit pala sa pakiramdam kapag may tinatago sa'yo yung boyfriend mo.

Iniabot naman na agad sakin ni Sky yung cellphone niya.

To: Unknown
Nag sorry lang si Jarred, tapos dinedma na niya. Ewan ko din kung ba't hindi sinabi ni Jarred. Sinabi ko sayo, kasi pinapaandar na naman ni Clarisse yung kademonyohan niya.

Sinasabi ko na nga ba hindi maganda ang pinaplano nitong si Clarisse. Hindi ako makapaniwalang nagtago sakin si Jarred.

Hindi naman na ako nagmessage pabalik kay Sky. Iniabot ko naman na ang cellphone niya. Binigyan naman niya ako ng reassuring smile. Tumango na lamang ako.

Napatingin na lang ako sa bintana. Kahit hindi ako inaantok, parang gusto ko na lang matulog. Para mawala yung nararamdaman ko ngayon. Maya maya nga at nakatulog na ako.

Nagising na lang ako sa sakit ng lalamunan ko. Nauuhaw ako. Pagkagising ko, nakita kong wala si Jarred sa tabi ko. Baka nag CR. Tumayo naman ako para magpunta sa galley, kailangan ko talaga ng tubig. Nakita kong halos lahat tulog. Napagod siguro.

Papunta na ako nang nakakaaninag ako. Dalawang tao. Hmm. May gising din pala. Palapit ako ng palapit nang may nagsalita.

"Jarred... Bakit hindi na lang kasi ako?" Si Clarisse yun ah. At bakit kasama niya si Jarred? Tinakpan ko naman ang bibig ko. Pagkahawi ko ng kurtina, nakayakap si Clarisse kay Jarred sa likod. Si Jarred naman nakasandal lang ang ulo sa pader.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon