Red Ivy Chua
Mas maaga naman kaming nakakilos ngayon, kaya naman hindi kami late sa call time at hindi na din kami ma special mention. Pasalamat ko na lang talaga kay Leah at maaga siyang nagising. Na trauma siguro kahapon.
Sunod naman naming pupuntahan ngayon ang Pont des Arts. Sikat na sikat 'to dito. Isa itong pedestrian bridge na pwede kang maglagay ng padlock na nakalagay ang initials niyo ng mga bestfriend niyo or yung karelasyon niyo.
Thank you talaga, LU. Dahil sa inyo natutupad yung panagarap 'to. Isa talaga 'to sa mga gusto kong puntahan dati.
Tulad kahapon, ganun padin ang panahon dito sa France. Kahit makulimlim hindi naman umuulan.
Kasalukuyang katabi ko si Jarred. Tahimik at nakahawak lang siya sa kamay ko. Bigla kong naisip na mag iisang buwan na pala kami ni Jarred next week. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang inaaway ko siya tapos ngayon mag iisang buwan na kami.
Si Jarred pa rin kaya yung kasama ko hangga't tumanda na ako? Meron kasi akong rule sa sarili ko na yung unang boyfriend ko, siya na din yung last ko.
"Penny for your thoughts?" Tinignan ko naman si Jarred, nakangiti. Napangiti naman din ako sa kanya.
"Wala. Nag iisip lang ng mga bagay bagay." Ngumiti naman siya sakin.
"Jarred, kilala mo ba si Hailey?" Saad ko kay Jarred. Napansin kong agad naman siyang napatingin sakin, para bang nakuha ko ang atensyon niya.
"Bakit?" Walang ekspresyong saad ni Jarred.
"Wala lang. Kasi kinakatakutan daw siya sa Lee University sabi sakin nila Leah. Para daw na brain wash niya yung mga tao dun."
"Ah." Tipid na sagot ni Jarred. Bakit kaya ganyan siya. Hmm, paniguradong nagsusungit na naman 'tong lalakeng 'to.
Pagkatapos ng isa't kalahating oras nakatarating na din kami. Sumasakit yung tiyan ko sa sobrang pagka excite. Nang makababa na kaming lahat tinipon muna kami ni Ms. Alonzo.
"There is some changes that you'll need to be fully aware." Sambit samin ni Ms. Alonzo.
"Hindi na kayo pwedeng maghook ng padlock sa railings ng bridge."
Sa lahat nang nag react, ako ang pinaka una at pinakamalakas na nagreact. Oo nabalitaan kong may mag collapse dito, pero hindi ba nila ako pwede pagbigyan. Kasi pangarap ko talaga 'to.
"Pero imbis na padlocks, mag selfie na lang kayo. Love without locks, ang sinusulong nang bagong Mayor sa lugar na 'to." Pagpapaliwanag ni Ms. Alonzo, para namang nag collapse na din yung tuwa ko.
Pero syempre wala naman na kaming magagawa, yun ang batas dito. Nakakatamlay tuloy.
Nagsimula naman na kaming ilibot ng tour guide.
"Ang korny. Akala ko pagbibigyan tayo." Namumuryot na saad ni Kylie.
"Akala ko din eh." Malungkot na saad naman ni Sky.
Ako wala lang akong imik. Marami akong nakakamanghang nakikita, tulad nang mga painters, mga photographers at yung iba nag pipicnic pa pero sadyang ayaw lang mag react nang sistema ko dahil talagang nalulungkot ako.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Teen FictionMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...