Chapter 4

916 29 5
                                    

Red Ivy Chua

"Tara, Red!"

Red

Red

Red

Bigla na lang ako nagising. Ano ba namang panaginip yun. Nasa iisang school na nga kami eh. Pati ba naman sa panaginip.

Tinignan ko ang cellphone ko. 5 am palang pala. May 2 hours pa ako, pwede ko ulit yun itulog.

Umikot ako ng umikot, di ko mahanap yung pwesto ko. Di rin ako nakakaramdam ng antok. Kasalanan yun nung lalakeng yun eh. Sana di ko siya nakita kahapon para di ako nagkakaganto ngayon.

Makapag-isip na nga lang ng ibang bagay.

Oo nga pala, ngayon yung botohan ng Class Officers sa section ko. Ayoko mapasama dun, mamaya anong sabihin nila na transferee lang ako tapos biglang naging officer na. Tsaka ayoko rin ng exposure. Lalo na nandiyan si Kylie, kilalang kilala ko na kilos niyan, pag sinabi ko pa namang ayaw ko, gusto niya. Iba umintindi yun eh.

I'll just text her.

To: Kylie Rose

Hi good morning, bie. Una ka na sa class room ah. I think malelate ako, kasi masama timpla ng tiyan ko ngayon eh. Pero don't worry umiinom na ako ng gamot ngayon. Paki sabi na lang din kay Ms. Alonzo, gagawa na lang ako ng excuse letter para supporting statement. Thank you.

I hit send.

Nang makita ko na ang sinag ng araw, nag inat inat na ako at bumangon. Maka punta nga kay kuya Raymond, tutal magaling naman yun kapag dating sa mga ganyan.

Kumatok muna ako.

"Pasok!" Sigaw naman nito.

"Kuya." Naabutan ko siyang nag pupush up. Ano na naman kaya trip nito.

"Hi princess, good morning." Tumigil siya saka tumayo. Nagpunas punas siya ng pawis.

"Kuya, gawan mo ako ng excuse letter."

"Yun lang ba? Ano ba sakit mo?" Ngumiti naman siya ng nakakaloko. I just rolled my eyes.

"Sabihin mo, masakit tiyan. Gandahan mo ha, yung kapani paniwala ha?"

"Okay. Sige na, maligo ka na. Tapos na 'to pagkatapos mong maligo." Nagpatuloy naman na ulit siya sa pag push up niya.

"Thanks, Kuya." Ngumiti naman ako saka umalis na sa kwarto niya.

Ginawa ko na ang aking mga morning rituals, ngayon dinodoble ko ang bagal ng kilos ko. Para naman talagang malate ako ng totoo.

Pagkatapos kong maligo, nagsuot na ako ng uniform at inayos na ang mga gamit ko. Tinignan ko ang wrist watch ko. 7 sharp.

Nagpunta naman ako sa kwarto ni kuya Ray, ngunit wala siya dun. Kaya naman bumaba na ako.

"kuya Raymond." Tawag ko sa kanya. Bigla naman siyang sumulpot galing kusina, umiinom ng juice at hawak ang aking excuse letter... I think.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon