Clarisse Marie Gonzaga
Umikot ako ng umikot. Hindi ako makatulog. Naninibago ata ako sa kama. Napaupo naman ako, tinignan ko yung mga kasama ko, mukhang mga nananaginip na sila. Bakit ganun, hindi ako komportable dito.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Quarter to 12 na. Maaga pa naman call time namin.
UGH GOODLUCK, CLARISSE.
Inabot ko na lang ang brush sa drawer at nagsuklay suklay na lang para makatulog ako. Habang nagsusuklay, kanina nakita ko sina Jarred na pumasok diyan sa kabilang room. Oo nga pala, magkasing room lang kami.
Gusto kong puntahan. Gusto ko malaman niya, na dapat akin siya. Di siya dapat napunta sa babaeng 'yun. I can't believe it.
Bumangon naman ako at nagsuot ng slippers. Gusto ko siyang puntahan. Sinuot ko ang robe ko at lumabas naman na ako ng room.
Tumingin ako kaliwa't kanan kung may tao. Huh, buti walang tao. Walang istorbo.
Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan nila. Nadinig kong may nag uusap pa. Kaya paniguradong gising pa din sila. Pinapakinggan ko kung si Jarred ba yung nagsasalita or hindi. Mamaya laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto, kaya naman bumagsak ako.
Feeling ko nabasag ata yung magandang mukha ko. Sino bang anak ni hudas ang nagbukas.
"Okay ka lang?" Hmm si Kyle. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Ikaw malaglag, sa tingin mo magiging okay ka?" Sarcastic kong sinabi sakanya.
"Eh ano kasing ginagawa mo diyan?" Natatawa pa si Kyle. What a displeasing guy.
"Man, anong meron?" Si Jarred. Nakita ko naman na papalapit na siya sakin kaya naman umarte akong na injured.
"Gusto ko lang naman mag tanong kung anong oras yung call time bukas, tulog na kasi mga kasama ko." Nagpaawa pa talaga ako. Nakita ko namang nagtinginan si Kyle at Jarred.
"You still have the guts to talk to me, huh." Sambit ni Jarred. Seryoso siya, walang ekspresyon ang mukha niya. Iniabot niya naman ang kamay niya sakin. Kinuha ko naman ito para makatayo na.
"Uh, Jarred--" Di ko na natuloy kasi agad niya akong pinutol.
"Save it. Hindi mo siya magiging katulad. Dahil nag iisa lang siya. May respeto ako sa babae, pero sa ginawa mo samin.You don't deserve even just an inch." Tumalikod naman na si Jarred at isinara na ang pintuan.
Gusto kong makaganti sa kanila.
Red, tatandaan mo 'tong ginagawa mo sakin. Darating yung time na maghihiwalay kayo, dahil hindi ka naman talaga ang nauna kay Jarred. Kilalang kilala ko ang babaeng nagpaiyak kay Jarred, at wala kang binatbat dun. Hindi kayo para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
JugendliteraturMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...