Chapter 11

675 22 0
                                    

Jarred Calvin Garcia

Saturday Morning

Im in our gym right now, doing some warm ups. Kailangan ko to, kinakabahan kasi ako, hindi sa mga kalaban, kundi dahil kay Red. Pano na lang kung hindi ako umabot, madidisappoint at mapapahiya ko si Red, at ayokong mangyare yun. Sana gumana yung trick na gagawin ko, or sana mas maganda kung matapos to ng mas maaga, tutal mamaya pa namang 3 yung start nun. Pero anong oras na ngayon its already quarter to 9 at ang start ng game ay 11:30.

"Aga mo naman magpakitang gilas, Jarred." Iheard that irritating voice of him, its Oliver.

"Just doing some warm ups." Sabi ko sa kanya ng hindi humaharap.

"Aren't you excited to our game?" Nilingon ko siya, nakita ko yung nakakalokong ngiti ni Oliver. Yung nang aasar na ngiti.

"Nope, di naman ako naeexcite sa game, chill lang ako. Ako alam kong naeexcite ka, still hoping na pasok ka sa first five?" Nilingon ko ulit siya then I smirked at him.

Nakita kong napikon siya sa sinabi ko. Umalis naman siya ng walang sinasabi. Pinagpatuloy ko na lang ang pagshooting at ang pag lay up.

"Man! May sasabihin ako!" Tawag sakin ni Stefan na halatang may badnews.

"Ano yun?" Binitawan ko yung bola tapos lumapit ako sa kanya.

"Kasi kaninag umaga, nakita kong kinakausap ni Oliver yung bago nating coach."

"So what? Kahit anong usap niya dun hindi siya magiging first five. Panatag kong sagot kay Stefan.

"Pero nakita kong binigyan ng pera ni Oliver yung coach natin, tapos nung nakita ako ni Oliver, nginitian niya ako ng nakakaloko. Alam kong may pinaplano yung mokong na yun eh." Napaisip naman ako. Anong kalokohan na naman ang pinaplano ni Oliver.

"Basta dapat tayo maging handa." Tinapik naman niya ang balikat ko.

"Osige, Captain." narinig kong medyo relax na yung tono ng boses ni Stefan.

"Magsasapatos na nga ako, para makasali ako sayo, nangangati na rin akong maglaro eh."

Saktong 11 nang dumating na ang buong team, nakisali na rin sila sa warm up namin ni Stefan. Dumating na rin ang kalaban namin na East University. Kulay black ang jersey nila at kami ang color green.

Pagkaraan ng kalahating oras ay nag start na ang game.

First five: Jarred Garcia

Stefan Anderson

Kyle Concepcion

Patrick Rivera

Ruselle Borromeo

Nakita kong wala sa listahan ang pangalan ni Oliver. Bago ako pumasok sa loob ng court, tinignan ko siya nakita ko rin naman nakatingin siya sakin, pero nakatawa siya.

"Sabi sayo di ka first five." tuluyan na akong pumasok sa court.

Jumpball ako, pagkapito na pagkapito tinulak ko yung bola papunta kay Stefan, na shoot naman ni stefan, 2 pts. Bola na ng kalaban, bantay ni Kyle yung lalakeng medyo mataba na may hawak ng bola, ipapasa na niya sana sa kakampi niya ng bigla na steal ni Patrick at ishinoot sa ring namin, 3 pts.

Natapos ang 1st quarter na kami ang lamang ng apat. Kailangan ko nang magpa sub. Dahil yun ang usapan namin ng dati kong coach, hindi pwedeng ibabad sa laro ang Captain ball. Kaya naman nilapitan ko na ang Coach namin.

"Coach. Sub muna." Saad ko habang nagpupunas ng pawis.

"Jarred hindi pwede. Kailangan ka ng team sa loob." Prenteng nakaupo lang ang coach namin, para bang relax na relax siya at walang alam sa mga sinasabi niya.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon