Chapter 25

392 10 0
                                    

Red Ivy Chua

Nagising na lang ako dahil sa may dumidila sa kamay ko. Nakita kong si Poof pala. Oo nga pala, may alagang aso na pala ako ngayon. Pano kaya kapag iniwan ko na si Jarred, iiwan ko na din ba si Poof? Nakita ko naman ang magandang puppy eyes niya. Para bang nanakit ang lalamunan ko at naluluha luha. Tumayo na lang ako at dumeretso nang maligo.

Pagkatapos kong maligo nag ayos na ako. Hindi naman mapakali si Poof, nilalaro niya yung unan ko na hugis carrot.

"Poof. Halika poof." Tawag ko sa kanya, lumuhod naman ako para mapantayan ko siya. Agad naman siyang lumapit. Hinimas ko naman ang ulo niya.

"Pakabait ka habang wala ako ha." Hinagod ko muli ang kanyang katawan.

Lumabas naman na ako ng kwarto sumunod naman sakin si Poof.

"Ate Sally, kayo na po muna ang bahala sa aso ko ha?" Sambit ko naman sa kasambahay namin ng makababa na ako.

Palabas na ako nang narinig ko namang tumahol si Poof. Kaya naman kumaway ako sa kanya at tuluyan ng lumabas ng bahay namin.

Dating gawi, sinundo ako ni Jarred sa labas ng village namin.

"Wala ata si Hailey." Sambit ko kay Jarred. Pinanliitan naman ako ng mata ni Jarred.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Text ako ng text sayo kagabi, hindi ka sakin nagrereply." Saad ni Jarred.

"Ano kasi, kasi ano... Nakatulog kasi ako agad, Jarred. Sorry." Hinawakan ko naman ang kamay niya. Nawala naman na ang kunot sa noo niya.

"How's poof?" Ngumiti naman ng nakakaloko si Jarred.

"Okay naman siya. Siya na ata ang pinaka cute na aso na nakita ko." Ngumiti naman ako kay Jarred.

"Okay ka lang ba?" Sinalat naman ni Jarred ang leeg at noo ko.

"Oo naman. Bakit?" Saad ko sa kanya.

"Parang ang tamlay mo kasi ngayon eh." Nagdududang saad ni Jarred. Nahalata na ata ako. Hindi ko pwedeng sabihin lahat kay Jarred o kahit kanino man, kailangan ko lahat itago. Kailangan sarilinin ko 'to. Kailangan kong kayanin.

Lumapit naman ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Paranoid. Thank you ulit kay, Poof. He's the cutest." Hinalikan naman ni Jarred ang gilid ng ulo ko. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa lalamunan. Ayokong umiyak. Hindi ako pwedeng umiyak.

Pagkadating sa LU nakita ko si Leah at Kylie.

"Jarred, una ka na." Ngumiti naman ako sa kanya.

"Okay. Give me your bag." Binigay ko naman na kasi paniguradong mangungulit lang yun kapag hindi ko pa binigay sa kanya. Lumapit naman na ako sa dalawa.

"Hello, good morning." Pagbati sakin ni Leah. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Nasan si Sky?" Sambit ko sa dalawa.

"Nasa directress' office." Sagot naman ni Kylie. "Teka may sakit ka ba?" Nagaalalang tanong ni Kylie.

"Ha? Wala ah." Sagot ko naman sa kanya.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon