Red Ivy Chua
Buti naman at sabado kaming nakarating sa Pilipinas, meron pa akong time makapag pahinga. Sa sobrang tagal ng biyahe, nangangalay na yung buong legs ko.
"I'll see you on monday." Niyakap naman ako ni Jarred at hinalikan sa noo. Kasalakuyang palabas na kami ng airport. Nandiyan naman na yung sundo ni Jarred.
"I'll miss you. Bye." Kumaway siya sakin at kumaway rin naman ako pabalik.
Ako at si Kyle na lang ang walang sundo.
"Bie, bakit si Clarisse sinabihan ako nang mang aagaw?" Nagtatakang sambit ko kay Kylie.
"Eh syempre ang akala niya inagaw mo si Jarred sa kanya sa kanya." Napatango naman ako. Pero para bang hindi parin sapat yung ganung explanation.
"Para kasing may laman eh." Inakbayan naman ako ni Kylie.
"Bie, you know, nag oover think ka lang." Napahinga naman ako nang malalim. Sa tingin ko tama nga si Kylie.
Maya maya naman na dumating na ang mga sundo namin. Buti naman at si Kuya Alex ang nagsundo sakin. Bumaba naman na siya nang kotse at sinalubong ako nang napakahigpit na yakap.
"I missed you, kiddo." Napakayap din naman ako kay Kuya Alex. Ginulo gulo naman niya ang buhok ko.
"Ano, may girlfriend ka na?" Kumawala naman ako sa yakap namin at tinaasan siya nang kilay.
"Wala pa... Pero good news, may nagugustuhan na ako." Ngumiti naman si Kuya Alex. Natawa naman ako. Palagi niya na lang kasi sinasabi 'yan, pero ni isa sa nagustuhan niya hindi naging sila. Napailing na lamang ako.
"Halika na nga." Tinulungan naman ako ni Kuya Alex sa pagbitbit nang mga gamit ko.
Pagkadating namin sa bahay, nandito sina Mama at Papa.
"Nandito na pala ang prinsesa namin." Lumapit sakin si Papa at binuhat ako. Napayakap naman ako nang mahigpit sa kanya. Ibinaba naman na ako ni Papa at hinalikan ako sa pisngi.
"Hi baby, I missed you." Niyakap naman ako ni Mama.
"Na miss ko rin po kayong lahat." Ngumiti naman ako sa kanila.
"Halika, may hinanda ang Kuya Raymond mo para sa'yo." Lumakad naman na kami papuntang dining room. Tumambad sakin ang mabangong amoy. Nakita ko naman si Kuya Raymond na may dalamg isang malaking platter at inilagay sa lamesa.
"Pinagluto kita ng Pork Steak." Ngingisi ngisi naman siya. Nagutom naman ako nang bigla. Paborito ko talaga 'to, lalo na pag gawa ni Kuya Raymond.
"Ang lakas ko talaga sa'yo." Napangiti naman ako kay Kuya Raymond.
Masaya naman kaming kumain nang dinner. Ikwenento ko sa kanila lahat nang napuntahan ko. Ipinakita ko rin sa kanila ang mga pictures ko. Inggit na inggit naman sakin si Kuya Raymond.
Pagkatapos nang masayang dinner namin ng pamilya ko. Umakyat naman na ako sa kwarto ko para makapag pahinga.
Ang sarap sa feeling kapag sama sama kaming kumakain. Feeling ko, ako na ang pinaka masayang babae sa mundo.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Teen FictionMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...