Red Ivy Chua
Habang ako lang ang mag isa sa classroom, umalis kasi yung tatlo pumuntang canteen para kumain nagulat ako sa pagtawag sakin ni Ms. Alonzo."Ms Chua, where's your escort? I have a bad news." Natatarantang sabi ni Ms. Alonzo
"Ms. Alonzo, hindi ko po alam eh, bakit ano pong problema?" Pati ako natataranta dahil sa hitsura ngayon ni Ms. Alonzo. Ano kayang meron.
"We have a problem. Kasi yung Ms. and Mr. Leeuanian na move yung date niya." Mataas na tono na pagkasabi ni Ms. Alonzo.
Nakakaloka naman. Bakit naman napaaga. Wala pa nga eh. Hindi pa ako ready at hindi ko alam kung magiging ready pa ba ako. Kung sine swerte ka nga naman.
"Eh, Ms. kelan na po?" Bakas sa mukha ko ang takot at kaba.
"Next saturday na!" Lalong kumabog naman ang dibdib ko. NAKAKAKABA. NAKAKASAKIT NG TIYAN NA EWAN.
"Ms. Alonzo naman. Sabihin niyo pong nagbibiro lang kayo. Akala ko po ba next month pa po?"
"Ganto kasi 'yan. Pinaaga ng mga Administrators ang activity ng Juniors and Seniors, which is an educational trip outside of the country."
"Ha? May ganun po ba talaga?" Kabadong tanong ko kay Ms. Alonzo.
"Of course. Kaya ayun, pinaaga na lang ng Administrators." Kahit si Ms. Alonzo halata sa mukha ang pagka balisa niya dahil sa nangyayare.
PERO PANO PA AKO. Parang merong kinakatay sa loob ng puso ko sa sobrang kaba eh.
"Kaya niyo na ba sayawin yung gusto kong ipasayaw sa inyo?" Tanong ni Ms. Alonzo.
Yun pa pala. Iniwas ko ang tingin ko kay Ms. Alonzo, dahil nahihiya akong sabihin na hindi pa namin nasisimulan ni Jarred.
"Red. Ano na practice niyo na ba?" Pag ulit ni Ms. Alonzo.
"Opo naman, Ms." Laking gulat ko na nandito na pala si Jarred. Tinignan ko siya ng nagtataka. Eh wala pa nga kaming na ppractice ni isa eh.
Tinignan na lang ako ni Jarred ng Alam-Ko-Ginagawa-Ko Look.
"Kami na pong bahala, Ms." Saad ni Jarred.
Ewan ko ba parang may nag mute ng mundo ko kaya hindi ko na marinig ang ibang sinasabi ngayon ni Jarred. Nakatitig lang ako sa labi niya, bawat galaw ng labi niya kitang kita ko. Tinignan ko rin ang mga mata niya, walang bahid ng kahit anong kulay, purong itim ang mga kulay nito.
Pero ano ba 'tong mga naiisip ko. Para bang wala kami sa kalagitnaan ng matinding kaba.
"Red, Red." Tawag sakin ni Jarred. Parang may bigla na lang nagbalik ang volume sa mundo ko. Parang pati ulirat ko nawala kanina ah.
"Diba, totoo ang sinasabi ko?" Nakangiti sakin ng kalmado si Jarred. 'Tong kabog ng puso ko para na namang may fun run sa loob. Jusko.
"Ahh. Opo, Ms." Ang tanging nasabi ko na lamang.
"Hay, thank goodness. Nakahinga na ako ng maluwag dun. Basta kaya niyo 'yan. Good luck, guys." Tumalikod na samin si Ms. Alonzo at tuluyan ng umalis ng classroom.
"Huy, Jarred. Anong sinasabi mong ready na tayo? Eh kahit ni isang dance step, wala pa tayong napa-practice." Saad ko sa kanya.
"Ganto yan." Pasagot palang siya ngunit pinutol ko rin agad.
"Pano, sige, pano. Kinakabahan ako. Nako. Baka pag nalaman ni Ms. Alonzo 'yun, pag initan tayong dalawa." Naglakad lakad ako ng kaliwa't kanan na pabalik pabalik. NATATARANTA NA AKO.
Lumapit naman sakin si Jarred at hinawakan ang dalawa kong balikat. Yun naman ang dahilan ng pagtigil ko.
OKAY. OKAY NA AKO.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Ficção AdolescenteMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...