Chapter 23
Jarred Calvin Garcia
I have to talk to her. I have to talk to Hailey. Pagkatapos nun kakausapin ko na rin si Mama. Kailangan na matigil 'tong laro na 'to. Nasasaktan ko na ng husto si Red.
Padabog kong binuksan ang pinto namin sa bahay. Dumeretso naman ako sa guest room namin.
"Hailey. Open this door!" Kinalampag ko naman ang pintuan niya.
"Jarred, ano yun?" Nag inat inat naman si Hailey.
"Ano ba talagang pinaplano mo." Nakita ko naman siyang nag iwas ng tingin sakin.
"A-anong plano, Jarred?" Mahina naman niyang sagot sakin. Sa sobrang gigil ko nakuyom ko na ang mga palad ko.
"Hindi ako tanga. Pinaglaruan mo ako noon, sinaktan... Tapos babalik ka ngayon na parang wala lang. May plano ka ba ulit guluhin ang buhay ko?!" Hindi ko namamalayan na napapataas na ang boses ko sa kanya.
"Uh, I don't know what you're talking about. Alam ko lang, mahal kita." Hinawakan naman niya ang dalawang balikat ko. Pero inalis ko naman ito agad. Hindi mo na ako malolokong muli, Hailey.
"Hailey, hinding hindi mo kami masisira ni Red. Kasi siya lang ang mahal ko." Nanggigigil kong saad sa kanya. Napayuko naman si Hailey.
"Pero Jarred, tayo na ang pinagkasundo ng mga magulang natin." Naglakad naman siya papunta sa loob ng kwarto niya at naupo sa kama niya. "Ako ang fiancé mo." Mariin na saad ni Hailey.
"Siya ang mahal ko at siya lang ang papakasalan ko." Napatakip siya sa bibig niya at naluha na. Nonsense ang pakikipag usap sa babaeng 'to. Si Mama na lang ang kakausapin ko.
Umalis na ko sa kwarto ni Hailey at pumunta na sa study room ni Mama.
"Ma, we have to talk." Seryoso kong saad sa kanya.
"Hold on." Saad niya sakin. "Yes, Johnny... Tatawagan na lang kita after 10 minutes.... Yes. Just wait for my decision." Binaba naman na ni Mama ang phone niya. Sinundan ko naman siya ng tingin. "Tungkol saan, anak?" Naupo naman si Mama sa tabi ko.
"Tungkol kay Hailey at ang relasyon ko kay Red. Ma, mahal ko si Red. Siya lang ang papakasalan ko." Madiin kong sambit kay Mama. Binalot naman ng pagkagulat ang kanyang mukha.
"Anak. Please. Pakinggan mo naman ako." Sambit ni Mama.
"Ma, buhay ko 'to. Ako ang dapat nagdedesiyon sa buhay ko. Hindi ikaw." Napatingin naman sakin si Mama.
"Jarred kung hindi mo papakasalan si Hailey, pwede bumagsak ang kompanyang pinaghirapan ng daddy mo. Dahil yan sa pamilya ng girlfriend mo ngayon!" Tumayo na si mama sa sobrang galit. Pano na involve ang negosyo nila Red dito?
"Di ko kayo maintindihan." Tanging nasabi ko na lamang.
"Ipapaintindi ko sayo, Jarred. Ang pamilya ng girlfriend mo, sila ang nagmamay ari ng CeeCompany, at sila ang kumakalaban satin ngayon. Muntikan na tayong bumagsak ng dahil sa kanila, laking pasalamat na lang talaga namin sa pamilya ni Hailey at natulungan nila ang kompanya natin. Nang dahil dun napagkasunduan na namin na ipakasal kayo sa isa't isa. Ano mas pipiliin mo pa rin yang babaeng yan kahit sila ang sumisira sa kompanya natin!" Galit na galit na saad ni Mama.
Halos mapaupo na lang ako sa sinabi ni Mama, nanghihina ako na ewan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero, naisip ko. Si Red ang mahal ko, kung magkalaban man ang kompanya ng mga magulang namin labas na kami dun na mga anak.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
JugendliteraturMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...