Red Ivy Chua
"Red. Hello. Red, nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan." Ayan agad ang bungad sa akin ni Phoebe pagka sagot na pagkasagot ko sa tawag niya. Sinilent ko muna kasi ang phone ko, wala kasi akong gana kumausap ng tao. Ginabi na rin ako dahil sa di ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko ngayon. Sobrang nakakatamad na, na ewan.
"Pabalik na ako ulit ng hotel." Lamya kong sagot.
"Are you okay? May nangyare ba?" Nag-aalalang tanong ni Pheobe.
"Ahm. Oo. Pheobs, favor naman."
"Sure, Red. Kahit ano."
"Wag na tayong mag stay kina Jarred. Hindi naman natin kailangan."
Natahimik ng matagal si Pheobe.
"Okay, I'll just talk to them. O right? Take care." At inend call ko na. Sakit ng ulo ko, hirap talaga pag naulanan ka. Pero parang mas malala pa rin yung sakit sa puso ko, wala ng gamot.
Nakarating naman na ako kaagad sa hotel. Umaakyat na ako sa room namin saka nag doorbell.
"Pheobs. Open up." Narinig ko namang may kumalampag pagkatapos ay bumukas na ang pinto.
Nang makita ko si Pheobe, napayakap na lang ako bigla at sabay sabay ng tumulo ang luha ko.
"Shhh. Red, halika pumasok muna tayo"
Hinila na niya ako sa loob.
"Pheobs, di ko na kaya. Uwi na tayong America. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na." Sabay kusot ko sa mga mata ko.
She caress my back.
"Eh pano na yung trabaho mo rito? Sabi mo rin sakin--"
"Save it! Gusto ko lang talagang makaalis. Gusto ko ng tumakas!" Pasigaw kong saad kay Pheobe.
"Red, alam mo 'yan ang problema sayo. Porket nasasaktan ka na, aalis ka na lang tapos hindi haharapin yung mga problema mo. Ang childish sobra." Napatingin naman ako sa kanya. Parang bigla akong natauhan sa sinabi niya. Kasi oo, nung sinabi ng mama ni Jarred maghiwalay kami, ni hindi ko man lang naipaglaban si Jarred.
"Red, you have to face your problems. Ano na lang mangyayare sa'yo kung patuloy ka lang magtatago sa mga problema mo. Be brave enough to face these challenges. Challenges nga diba? So ibig sabihin matatapos rin yan... kung haharapin mo." Tama si Pheobe. Duwag nga ako, sobrang duwag. Masaya na tuloy sa iba yung taong mahal ko.
Matagal bumalot sa amin ang katahimikan.
"Pheobs. Tulungan mo 'ko. Pano ko ba maitatama lahat ng 'to?" I held her hand.
"Oo tutulungan kita, Nandito lang ako. Susuportahan kita. Kailangan mong gawin, harapin ang lahat ng 'to." She gave me a genuine smile. Niyakap ko naman siya.
"Thank you, Ate... hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Lahat ng sinabi mo sobrang nakakapagpabago ng pananaw sa buhay." Narinig ko namang natawa siya sa sinabi ko.
"Kung wala ka lang problema, kanina pa kita nasabunutan dahil tinawag mo akong ate... pero Red, mabuti naman kung natauhan ka na." Nginitian ko naman siya.
"Anong balak mong gawin, Red?"
"Ipaglalaban kung anong akin..."
"Pano kung ipagtabuyan ka niya?"
"Wala na akong pake. Ipagsisiksikan ko pa rin sarili ko, gagawin ko lahat mahalin niya lang ulit ako." Nakita ko namang teary eyes si Pheobe.
"So proud of you!" At biglaan niya ulit akong niyakap.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Novela JuvenilMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...