Chapter 6

787 26 4
                                    

Red Ivy Chua

Pagkapasok na pagkapasok ko. Nakita kong umupo si Mama sa may sofa. Kinuha niya ang kanyang kape sa center table at humigop. Hindi siya dumeretso ng kwarto, ibig sabihin may sasabihin 'yan.

"Ma. Sorry late ako ng uwi." Pinanungahan ko na siya.

"Who is Jarred?" Malamig na pagkasabi sakin ni Mama.

"Classmate ko, ma" Tipid ko namang sagot.

"Bakit, anong ginawa niyo?" Walang pinagbago ang tono ng boses niya.

"May activity lang kami. Kailangan namin mag kakilala ng maigi dahil sa activity na 'yun." Humigop ulit siya sa kape niya. Walang imik.

"Tsaka, ma. Nagmagandang loob lang yung tao dahil walang maghahatid sakin pauwi."

"You know we had a deal about boys." Humigop na naman si Mama sa kanyang kape. "Alam mo ang ayaw ko, Red." Malamig pa din na sinabi ni Mama.

"Ma, hindi ka ba naniniwala sakin?" Di ko makapaniwalang tanong sa kanya. Bakit ganun, hindi siya naniniwala. Ano bang nagawa ko dati at ganyan na lang si Mama pagdating sakin.

"Sa nakita ko kanina. It explains everything." Mataas na ang tono ni Mama.

I can't believe this.

"Ma, hindi ko siya boyfriend or manliligaw. Sinusunod ko lang naman ang pinapagawa samin sa school. Transferee ako, ako ang kailangan mag adjust dahil ako ang bago sa school na 'yun." Medyo napapataas na rin ang tono ng boses.

"Don't you dare raise your voice on me." Nilapag ni mama ang kanyang kape at tumayo na.

"Pero, ma. Nag eexplain ako sa'yo. Pero ano, hindi ka naniniwala sakin." Naiiyak ako. Ano ba naman 'yan.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakikinig si kuya Alex at bakas sa mukha niya ang pagka dismaya.

Kaya naman kinuha ko na ang bag ko at umakyat na sa kwarto ko.

I can't deal with this. She's too driven with her emotions. Alam ko naman yung ayaw niya, wala naman akong sinuway dun.

Nilapag ko ang mga bag ko at nahiga sa kama ko.

What a life. Minsan mo na nga lang makita magulang mo, papagilitan ka pa ng wala kang kasalanan.

Nagulat na lang ako ng biglang may tumulong luha saking mga mata.

Maya maya, may biglang kumatok sa aking pintuan.

"Open." Saad ko.

Nakita ko naman ang nakangiting si papa.

"Hi, Sweetie." Lumapit sakin si papa. Napaupo naman ako sa kama at niyakap siya.

Di na mapigilang bumagsak ng mga luha ko. Halo halo na yung nararamdaman kong emosyon eh.

"Shh. Tahan na. She wants to talk to you." Naupo naman si papa sa tabi ko.

"Pa, hindi naman siya naniniwala sakin." Umiling naman si papa.

"Anak, you know your mom too well. Alam mo naman na ganyan ang magiging reaksyon niya diba?"

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon