Chapter 19 part 2

421 14 1
                                    

Red Ivy Chua

Nagising na lang ako sa mabangong amoy na naaamoy ko.

Naaninagan kong nandito sina Kyle, Russelle, Stefan at Jarred. Naghahanda nang pagkain.

"Good morning, sleepy head." Lumapit naman sakin si Jarred at hinalikan ako sa noo.

"Mamaya pang 10 ang call time natin, dahil isang lugar na lang naman ang pupuntahan natin ngayon." Tumango at ngumiti naman ako kay Jarred.

Nagpunta naman ako sa banyo at inayos ko muna ang sarili ko. Pagkalabas ko, nakita kong gising na yung tatlo. Malakas talaga pang amoy namin pag dating sa pagkain.

Dahil madami ang pagkain namin, sa lapag na lang kami nag table. Kaya naman naka indian seat kami habang kumakain.

"Sino nakaisip nito?" Tanong ni Kylie.

"Si Russelle. Para naman daw maenjoy natin yung umaga dito sa France." Tumango naman si Russelle at nag thumbs up. Sabagay maganda ideya 'to, dahil nung pagkadating palang namin dito, na hahassle na kami every morning dahil sa call time. Buti ngayon relax relax na lang.

"Oh mamaya, kapag maaga tayong nakarating doon naman tayo sa kwarto namin, mag saya tayo. Tutal huling araw na natin dito sa France." Suggestion naman ni Jarred. Nagtinginan naman kaming mga babae.

"Eh pano kung mahuli tayo?" Nag aalalang tanong ni Sky.

"Hindi 'yan, nininja moves tayo." Sambit naman ni Kyle sabay ngumisi. Napapayag naman na kami.

Pagkatapos naming kumain, umakyat naman na ang mga lalake para makaligo na. Ganun din naman ang ginawa naming mga babae.

Before 10AM, nakababa na rin kami sa lobby.

Eiffel tower. Ito talaga ang pinakahihintay ko.

Nang makasakay na kami sa shuttle napansin kong maaraw araw na ngayon. Nako mabuti naman at sumikat na ang araw.

Halos 1 oras lamang ang byahe namin nang makarating na kami sa Eiffel Tower. Pagkababa na pagkababa ko, walang humpay ang picture ko. Nag video na din ako para inggitin ang mga kapatid ko.

Nagsimula naman na kaming maglakad lakad.

"Ang galing dun oh. May parang restaurant sa 2nd level ng Eiffel Tower." Sigaw ni Tanya. Oo nga no, nakita kong may mga silya, lamesa at bintana sa taas.

"Oo, meron nga. Yan ang Les Jules Verne." Marami ang mag react ng 'Ohhhh.' Ngayon ko lang nalaman na may restaurant pala diyan.

Pagkatapos mag discuss mg tour guide. Pinayagan naman na kaming makapag pasyal pasyal.

"Bie, picturan mo kami ni Jarred. Yung kita yung Eiffel Tower ha?"

"Osige sige." Ngumiti naman samin si Kylie. Hinila ko naman na si Jarred para makapag pa picture na kami.

Niyakap niya ako galing sa likod at sabay kaming ngumiti.

"Bie, kami naman ni Kyle." Masayang saad ni Kylie. Kinuha ko naman ang phone niya para mapicturan ko na sila.

Inakbayan naman ni Kyle si Kylie, yumakap naman si Kylie kay Kyle.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon