Red Ivy Chua
Mahimbing at maayos ang tulog ko ngayon. Kaya naman, nagising ako sa tamang oras, hindi maaga at hindi rin naman ganun ka late.
Tinignan ko naman ang cellphone ko. May text na galing kay Jarred.
From: My Jarred Garcia
I'll pick you up. I love you.
Napangiti naman ako. Buong akala ko, hindi na kami maayos ni Jarred, akala ko tuluyan na kaming masisira.
Bago ko mailapag ang cellphone ko, may nag viber naman sakin. Si Mama.
From: Mama
Anak. I talked to your Ninong Frank, siya na daw ang bahala sa pag asikaso ng school mo dun or better yet mag home schooling ka na lang. Well binalita ko lang sa'yo yan, Red. Kailangan ko ng puntahan ang next meeting namin. I love you, hija.
Oo nga pala. Pinapapunta ako dun ni Ninong Frank. Siguro mas mabuti kung wag ko na muna sabihin kay Jarred habang wala pang kasiguraduhan. Tsaka panigurado rin naman akong hindi papayag umalis sila Mama ng Pilipinas.
To: Mama
Okay, Ma. Thank you po sa pag sabi sakin. Mag iingat po kayo diyan ni Papa.
I hit send. Nilapag ko na rin naman ang cellphone ko para makaligo na.
Pagkatapos kong maligo nag ayos naman na ako ng sarili. Bumaba na rin naman ako.
Nakita ko naman si Kuya Alex at Kuya Raymond, nag uusap sa may salas. Napapansin ko nitong mga araw maaga silang nagigising.
"Mga kuya, bakit ang aga niyo naman magising?" Saad ko sa kanila.
"Ayaw mo ba nun, palagi ka naming naabutan." Ngumisi naman sakin si Kuya Raymond. Napailing naman ako.
"Pupunta kami sa office, at tsaka may inaasikaso kaming importante." Ngumiti naman sakin si Kuya Alex. Sabagay, palagi silang may inaasikasong importante. Ganyan siguro kapag anak ng mga business man.
"Sige po. Mauna na ako." Saad ko sa kanila. At dumeretso naman na ako sa labas.
Pagkalabas ko ng village nakita kong nandun naman na ang kotse ni Jarred. Nang makalapit na ako, nakita ko ng bumaba si Jarred. Lumapit naman siya sakin.
"Good morning, Red." Hinalikan naman niya ako sa noo.
"Good morning, Jarred." Ngumiti naman ako sakanya. Parang iba yung aura ngayon ni Jarred. Badtrip ba siya or naiinis? Kinuha naman niya ang bag ko at mga dala kong libro. Pumasok naman na kami sa kotse.
Pagkapasok namin, laking gulat ko nang makita ko si Hailey. Ngumiti naman siya sakin. Pero masasabi mo talagang may pagka plastik.
"Hi, Red." Sambit nito sakin. Napatingin naman ako kay Jarred.
"Hailey, front seat ka." Utos sa kanya ni Jarred. Kumunot naman bigla ang noo niya.
"Pero, Jarred."
"Wala ng pero pero. Bilisan mo na." Walang emosyong saad sa kanya ni Jarred. Bumaba naman na siya at lumipat sa front seat. Nang makasakay na kaming lahat, bumyahe naman na kami.
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
TeenfikceMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...